Tuesday , May 30 2023

Amazing: World’s first robot-staffed hotel bubuksan sa Japan

083014 AMAZINGPAANO kung maaari kang mag-check-in sa isang hotel, na ang iyong luggage at inorder na kape ay dadalhin sa iyo ng isang team ng mga robot?

Umaasa ang bagong hotel sa theme park sa Nagasaki, Japan na maging katotohanan ang pangarap na ito. Ang Henn-na Hotel (ibig sabihin ay “strange hotel”) ay magkakaroon ng staff na androids na magsisilbi bilang reception attendants, robot waiters, cleaning staff at cloakroom attendant, ayon sa ulat ng The Telegraph.

Ini-developed ng Japan’s Osaka University at minanupaktura ng Japanese robotics company Kokoro, karamihan ng “Actroid” ay kahawig ng Japanese woman. Sila ay nakapagsasalita ng Japanese, Chinese, Korean at English, nakagagawa ng hand gestures, at nagagaya ang paggalaw ng mata ng tao, ayon sa The Telegraph.

Ang android-staffed hotel ay bahagi ng theme park na tinaguriang Huis Ten Bosch, na iginaya sa typical Dutch town.

Maaaring ma-access ng hotel guests ang kanilang kwarto gamit ang facial recognition software imbes na susi, kung kanilang nais.

“We’d like to draw visitors to this setting surrounded by nature by establishing a smart hotel, which could be something we could spread through Japan and the world, sinabi ng spokeswoman ng Huis Ten Bosch sa The Telegraph.

Kung magtatagumpay ang robot hotel, isa pang ganito rin ang maaaring buksan sa 2016, dagdag ng spokeswoman.

Ang room rates sa Henn-na Hotel ay magsisimula sa $60 U.S. (7,000 yen), ngunit mananatiling higit na mababa kaysa rates ng iba pang hotel sa park, na tinatayang $170 to $255 (20,000 to 30,000 yen).

Sa paggamit ng robots at renewable energy, ito ay makatutulong sa hotel na mapababa ang operating cost, ulat ng The Telegraph.

Para sa mga nagnanais na mapagsilbihan pa rin ng tunay na mga tao, ang staff ay maglalaan din ng 10 human staff members.

About hataw tabloid

Check Also

Mr DIY Kramers

MR.DIY introduces Team Kramer as new brand ambassadors

Doug, Cheska, Kendra, Scarlett and Gavin are the new faces of MR.DIY in its ‘Family …

Bonsai exhibit SM Mall of Asia MOA

The grandest Bonsai exhibit at the SM Mall of Asia

Get ready for the grandest bonsai exhibition in Asia, presented by SM Mall of Asia …

Yasuiten Modas Jacquelyne Uno Hitoshi Uno

Online store na Yasuiten Modas ni Jacquelyne Uno, patok sa Japan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG masipag at mabait na online seller na si Jacquelyne Uno …

Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Mekanikong biktima ng heat stroke nailigtas ng Krystall Herbal Oil at ng FGO’s first aid instructions

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Dely Guy Ong,          Ako po …

Sharmaine Magdasoc Rhea Tan Beautéderm

BB. Pilipinas finalist Sharmaine, gustong sundan ang yapak ng Beautederm CEO na si Ms. Rhea Tan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG 40 nanaggagandahang kandidata ng Binibining Pilipinas 2023 beauty pageant ay dumalaw sa Beautéderm Headquarters sa Angeles City, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *