Wednesday , March 22 2023

KABAKA Clinic Pharmacy at Diagnostic Center; Ang Shell Eco-Marathon Asia 2015

00 dead heatISINAGAWA ni Philippine Olympic Committee (POC) president Peping Cojuangco ang pabubukas at pagsisimula ng 6th KABAKA Inter-School Sportsfest sa Rizal Memorial kamakailan.

Ang ceremonial toss na isinagawa ni President Peping Cojuangco ay sinaksihan nina KABAKA sports director Ronnie Canlas, Councilor Atienza at Kabalikat ng Bayan sa Kaunlaran (KABAKA) founder Congressman Amado S. Bagatsing.

Sa sportfest na ito ay maglalabanlaban ang iba’t-ibang matataas na paaraalan sa Metro Manila.

Ayon kay Congressman Bagatsing, sinimulan niyang itatag ang KABAKA Inter-School Sportsfest upang bigyang-daan ang mga kabataan na mahilig maglaro ng basketball at maiiwas din sila sa masasamang bisyo.

“Baka sa darating na panahon ay hindi ay tayo magtataka kung may sumibol na isang sikat at magaling ng basketball player na galing sa KABAKA Inter-School Sportsfest,” pahayag ni Congressman Amado S. Bagatsing.

oOo

Binuksan kamakailan sa publiko ang isang Mini-Hospital o ang KABAKA Clinic, Pharmacy and Diagnostic Center na magbibigay ng libreng serbisyong medical para sa mga residente ng Maynila.

Dinaluhan ito at sa pangunguna ni KABAKA Founding Chairman Manila 5th District Amado Bagatsing, kasama nina Department of Health Secretary Janette Lareto Garin, KABAKA President Eduardo Francisco, mga volunteer doctors sa Manila Doctors Hospotal, Manila Medical Center, at Chinese General Hospital, corporate sponsors representative, at 1,300 KABAKA Chapter presidents.

Sabi ni Bagatsing na siyang may utak ng naturang proyekto, mabibigyan umano na pribilehiyong libreng checkup at consultation, libreng gamot, Diagnostic at laboratory services katulad ng x-ray, ECG, ultrasound test, blood test, ang mga mamamayan ng Lungsod ng Maynila.

Bukas sa kahit na sinuman ang nasabing proyekto basta’t makapagpakita lamang ito ng community tax certificate o cedula, Barangay clearance, o KABAKA ID na magpapatunay na siya ay residente ng lungsod.

Dagdag pa niya, na layon ng proyekto na mabigyan ng libreng serbisyong medical ang mga mahihirap sa lungsod na kung saan ayon umano sa pag-aaral ay lima sa 10 pasyente ang namamatay sa bansa dahil sa kawalan nito ng kakayanan na magbayad ng doctor at pang-ospital nito.

 

SHELL ECO-MARATHON ASIA 2015

Matatanghal muli ang Eco-marathon sa Rizal Park, ang paligsahan ng environment-friendly car na inimbento ng mga engineering students mula sa iba’t-iba rehiyon sa darating na Pebrero 25 at tatagal hanggang Marso 1,2015.

Noong nakaraang taon tinanghal sa unang pagkakataon ang prestigious regional event sa Maynila nang mag-celebrate ng centennial ang Shell companies sa Pilipinas. Ang bansa ay magho-host ng Shell-marathon hanggang 2016.

May parte ng Rizal Park na isasara para sa malaking event. Lalagyan ng special racetrack at lugar kung saan ang publiko ay maging safe habang nanonood ng event.

Magkakaroon ng traffic-rerouting scheme na ipatutupad ang Manila City government sa mga araw ng event.

May 1,000 delagates at bisita na darating galing sa iba’t-ibang bansa para sa Shell Eco-marathon Asia 2015 at aabot sa 40,000 ang estimated crowd.

“Malaking karangalan para sa Pilipinas na host muli ng renowned and highly anticipated event. Ang pinaka-mahalaga ay nailagay sa mapa ng global advocacy on smarter mobility and fuel efficient driving,” pahayag ni Lyndon Lumain, general manager ng Shell Eco-marathon Asia.

 

ni FREDDIE M. MAÑALAC

About hataw tabloid

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …

Leave a Reply