Wednesday , March 22 2023

Koreana utas sa 2 holdaper sa coffee shop

Police Line do not crossPATAY noon din ang isang Koreana makaraang barilin ng isa sa dalawang holdaper sa loob ng isang coffee shop sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City kahapon.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang biktimang si Mi Kyung Park, 40, residente ng Eastwood Regrant Tower, Brgy. Bagumbayan ng lungsod.

Sa imbestigasyon, dakong 1:30 p.m. nang maganap ang insidente sa Bean Leaf Coffee shop sa Holy Spirit Drive, Brgy. Holy Spirit.

Nauna rito, pumasok ang biktima sa coffee shop ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay kasalukuyang hinoholdap ang nasabing establisimento.

Umorder ang biktima sa counter at nang makita na hinoholdap ang coffee shop ay nagtangkang lumabas ngunit pinigilan ng mga holdaper.

Ngunit nagpumilit sa paglabas ang Koreana na naging dahilan upang barilin siya ng isa sa mga suspek.

Pagkaraan ay tumakas ang mga suspek na naglakad lamang palayo.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …

Arrest Posas Handcuff

Notoryus na gang member tiklo sa droga at boga

NAGING matagumpay ang operasyon ng pulisya nitong Martes, 14 Marso, nang maaresto ang isang notoryus …

Dead body, feet

Bangkay itinapon sa Bulacan
LOLA PINATAY NG SARILING ANAK, KRIMEN NASAKSIHAN NG APO

NATAGPUAN ng isang residente ang bangkay ng isang lola na nakasilid sa isang storage box …

phone text cp

Concert pinasok ng 6 dorobo
31 PARTY-GOERS SINIKWATAN NG CELLPHONE

SUNOD-SUNOD na inaresto ng mga awtoridad ang anim na indibidwal kaugnay ng insidente ng pagnanakaw …

Leave a Reply