Saturday , June 10 2023

Broadcaster/politician sa Sorsogon niratrat

Police Line do not crossLEGAZPI CITY – Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang insidente ng pagpapaulan ng bala sa bahay ng isang politiko at radio broadcaster sa Sorsogon.

Salaysay ni Sorsogon First District Board Member Roland Añonuevo, isa ring broadcaster ng Padaba FM, nanonood siya ng telebisyon sa loob ng kanyang bahay nang makarinig nang sunod-sunod na putok sa labas.

Dahil dito, agad lumabas ang opisyal upang tingnan ang pinagmulan ng putok ngunit wala siyang nakitang tao.

Gayonman, nakarinig siya nang humarurot na motorsiklo na maaaring siyang sinakyan ng mga suspek.

Pagkaraan ay nakita ni Añonuevo ang dalawang tama ng bala sa kanyang sasakyan na naka-park sa garahe.

Walang napaulat na nasugatan sa insidente.

 

About hataw tabloid

Check Also

Philippines money

Maharlika Investment Fund bill pinare-recall ni Pimentel

HINILING ni Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang pag-recall sa Maharlika Investment …

Madugong madaling araw na aksidente sa Bulacan TRUCK VS SUV 5 PATAY 2 SUGATAN

Madugong madaling araw na aksidente sa Bulacan
TRUCK VS SUV 5 PATAY 2 SUGATAN

Lima ang patay samantalang dalawa ang sugatan nang suruin ng isang truck ang isang sports …

Alan Peter Cayetano

Sa usaping e-governance
GOBYERNO, TAGALUTAS NG PROBLEMA — CAYETANO

DAPAT  maging tagalutas ng problema ang gobyerno. Ito ang paalala ni Senador Alan Peter “Compañero” Cayetano …

Money Bagman

Pinal na kopya ng Maharlika Investnment Fund Bill isusumite ngayong Linggo sa Palasyo

NAIS ng Senado na maisumite sa palasyo ng Malakanyang ngayong linggo ang Maharlika Investment Fund (MIF) Bill. Ayon …

Risa Hontiveros LGBTQ+ Rainbow

Senator Risa dismayado
SOGIE EQUALITY BILL PARA SA LGBTQ+ HINDI PRAYORIDAD NG SENADO

BINATIKOS ni Senador Risa Hontiveros ang naging pahayag ni Senate Majority Floor Leader Joel Villanueva na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *