Friday , June 2 2023

Panalo ng Kia ikinatuwa ng dehadista

020615 kia smb pba

MARAMI ang hindi nakapaniwala sa impresibong 88-78 na panalo ng Kia Motors kontra San Miguel Beer sa PBA Commissioner’s Cup noong Miyerkoles ng gabi.

Pinutol ng Carnival ang 12 na sunod nilang pagkatalo mula noong pinataob nila ang kapwa expansion team na Blackwater Sports noong Oktubre pa.

Sa pangunguna nina PJ Ramos at LA Revilla, lumamang ng 11 puntos ang Kia sa halftime at kahit nag-rally ang SMB sa huling quarter ay hindi natinag ang Carnival na wala pa naman ang kanilang playing coach na si Manny Pacquiao.

Ang maganda pa, kahit nawala dahil sa anim na foul si Ramos ay hindi na-intimidate ang Carnival sa gitna ng matinding rally ng Beermen sa pangunguna ni JuneMar Fajardo.

Inamin ng acting head coach ng Kia na si Chito Victolero na ang panalong ito ng Carnival ay magiging inspirasyon nila para sa mga susunod pang laro sa torneo lalo na ang susunod nilang makakalaban ang wala pang talong Barako Bull sa Linggo.

“Sa panig ng Beermen, sinabi ng kanilang pambatong si Arwind Santos na malaki ang natutunan nila sa pagkatalong ito pagkatapos na magkampeon sila sa Philippine Cup dalawang linggo na ang nakaraan. (James Ty III)

 

About hataw tabloid

Check Also

Bato dela Rosa AFAD

Dela Rosa nanawagan para sa responsableng pagmamay-ari ng baril

ANG paglago at pag-unlad ng industriya ng paggawa ng  baril ay nakasalalay sa paglaki ng …

BiFin swimming SEA Games

BiFin swimming team impresibo sa kampanya sa SEA Games

KUMPIYANSA si Philippine Sports Hall-of-Famer at Batangas 1st District Congressman Eric Buhain na malaki ang …

PSC Ifugao Laro ng Lahi

MOA signing, PSC at Province of Ifugao para sa Laro ng Lahi hosting

Pormal na nilagdaan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ifugao ang …

PSC Laro ng Lahi

MOA nilagdaan ng PSC, Ifugao para sa Laro ng Lahi hosting

MASAYANG nilagdaan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng pamahalaang panlalawigan ng Ifugao ang memorandum …

Richard Bachmann PSC

PSC bankrolls SEAG participaion, commits continued support

Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann reiterated the agency’s commitment to support elite athletes …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *