Wednesday , November 6 2024

Lolong taxi driver utas sa 3 bagets

112514 deadPALAISIPAN sa mga awtoridad kung ano ang motibo ng tatlong bagets na bumaril at nakapatay sa 60-anyos taxi driver habang naghihintay ng pasahero sa tapat ng isang ospital kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Kinilala ang biktimang si Gerardo Orias, driver ng Cayaon taxi (UVK-320), residente ng Lot 32, Block 45B, Brgy. Longos ng nasabing lungsod, dead on arrival sa Pagamutang Bayan ng Malabon.

Habang pinaghahanap ang tatlong kabataan suspek na mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Saulat nina SPOs1 Edsel Dela Paz at Jerry Dela Torre, dakong 3:20 a.m. nang maganap ang insidente sa tapat ng isang waiting shed malapit sa isang pagamutan sa lugar.

Ipinarada ng biktima ang minamanehong taxi habang naghihintay ng pasahero nang dumating ang tatlong hindi nakilalang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril si Orias.

Makaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek habang dinala ng mga miyembro ng Barangay Kapayapaan ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na umabot nang buhay.

Inaalam kung napagtripan lamang o may malaking atraso ang biktima kung kaya’t tinadtad ng bala ng mga suspek.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

San Rafael, Bulacan

Tresspasser nahulihan ng baril at granada

Inaresto ng pulisya ang isang lalaki matapos na ito ay walang sabi-sabing pumasok sa bakuran …

Malacañang suspends 3 Dagupan councilors

Malacañang suspends 3 Dagupan councilors

The Office of the President suspended Dagupan City Councilors Redford Erfe-Mejia, Alipio “Alf” Serafin Fernandez, …

Brian Poe Lamanzares FPJ Panday Bayanihan party-list

Serbisyong legal para sa kapos-palad kaloob ng lawyers group at FPJ Panday Bayanihan party-list

SISIMULAN na ang mga serbisyong legal at konsultasyon sa darating na Biyernes, 8 Nobyembre, makaraang …

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *