Wednesday , November 6 2024

Huwag naman sanang sobrang expectation — John at Jake (Sa pagkatalo sa Best Actor category)

jake johnHINDI sinasadyang nakita namin si John Estrada sa bakuran ng ABS-CBN 2. Agad naming kinuha ang kanyang reaksiyon na na-disappoint at umasa si Jake Cuenca sa nasabing award. Tinalo niya kasi si Jake.

Napangiti si John at sabay sabi, “Unang-una, huwag naman sanang sobrang expectation. Bigyan mo ng fifty-fifty chance ‘yun,” deklara niya.

Agree rin si John sa katwiran na bakit sobrang umasa si Jake samantalang mga senior ang kalaban niya gaya nina Tirso Cruz III, Eddie Garcia, Ronaldo Valdez, Christopher De Leon, Joel Torre, at si John nga. Hindi ba uminom ng kape si Jake para nerbyosin ng kaunti?

“Ganito lang kasimple ‘yun, eh. Kung ang role mo, ibinigay sa amin, paano kaya? Sige ija-judge tayo sa parehong role? Baka lumayo ka? Baka hindi ka mapansin, ‘di ba? Kay Joel Torre, kay Christopher De Leon, paano mo naman…’di ba?

“I have nothing against him kaya lang..ang comment ko hindi lang para sa kanya kundi sa lahat ng bago na hindi porke’t sinasabihan ka na magaling ka sa role mo at bawat trabaho mo ay nag-i-expect ka, eh baka riyan siya masaktan at ‘yung trabaho niya ay  baka mapektuhan,” sambit pa niya.

“Hindi porke’t matunog ka, ikaw na. Kasi ang lalabas diyan, popularity vote. In short, hindi mo rin masasabi,” sey pa ni John.

Pero sinabi ni Jake, happy naman siya na si John ang nanalo dahil kasama niya sa show.

“I’m sure, hindi siya ganoon ka-happy para sa akin,” mabilis na sagot ni John kaya natawa kami.

Oo nga naman, kasi kung happy siya talaga kay John, hindi siya magsasalita ng disappointment niya at umasa sa nasabing award.

“Ang gusto kong sabihin sa lahat, hindi lang kay Jake. Kung iniisip mo na magaling ka, dapat ang ini-expect mo sa sarili mo, sa lahat ng kumbaga hawakan mo na proyekto, dapat ma-nominate ka. Hindi puwedeng ganoon. Ibig bang sabihin lahat ng gagawin mo, mano-nominate ka, mananalo ka? Ang huling award ko sa PMPC ay 2003.Kung iisipin ko sa sarili ko ‘yun, baka hindi ko abutin ang 2014?Sabi  ko, ano ang problema ng PMPC, eh,11 years bago ako …eh, napakagaling ko naman. Problema ‘yun kung ganoon ang iisipin ko sa sarili ko. Ganoon eh. Huwag naman sanang ganoon. Mali naman ‘yun,” bulalas pa ni John.

Samantala, nagpunta sa Hongkong si John kasama ang pamilya bilang regalo sa sarili at selebrasyon sa pagkakapanalo niya bilang Best Supporting Actor sa Ikaw Lamang sa PMPC Star Awards for TV.

Back to work na siya. May pelikula ngayon si John na ginagawa with Andi Eigenmann at Christopher De Leon titled Tragic Theater. Next year ay may teleserye siyang gagawin with Judy Ann Santos.

Pak!

Jen, lalong naging hot kung kailan nagkaanak

KUNG kailan may anak na si Jennylyn Mercado ay at saka lalong gumanda at sumeksi. Marami talagang kadalagahan ang kakabugin niya.

Kaya, naman kung hindi kami nagkakamali, siya ang kauna-unahang calendar calendar girl ng Tanduay para sa taong 2015 na may anak na.

Pinalitan niya si Heart Evangelista bilang calendar girl. Ano ang feeling?

“Siyempre parang mahirap sundan ‘yun, eh, Heart Evangelista ‘yun, so medyo may pressure,” deklara niya.

Kuwento pa ni Jen, nagpa-autograph siya kay Heart sa kalendaryo nito last year at nakatago pa ‘yun.

Dream ba niya na maging calendar girl?

“Hindi naman, pero ‘yung opportunity, habang may offers, sige, okay,” pakli niya.

First time rin ni Jen  na mag-two piece sa pictorial.

“Bago naman ako umoo, ipinakita muna sa akin ang peg. And alam ko naman ‘yung limit ko, eh, ‘yung limitations, kung hanggang saan lang talaga ako puwede. So, why not? Kasi once in a lifetime lang ‘to. Habang kaya ko pa, habang kaya pa ng katawan ko at mayroon pa namang… toned pa naman ako kahit paano, sige,” deklara pa ng aktres sa filmfest entry na English Only, Please.

Samantala, mariin pa ring sinabi ni Jen na single siya ngayon. Kaya naman, siguradong mas darami ang suitors niya sa paglabas ng sexy calendar. Mas marami ang magpapantasya sa kanya.

“Ayoko muna siguro hindi ko muna pinipilit din ang sarili ko kasi hindi pa rin naman ako handa sa rami kong ginagawa, boring pa. Sa susunod na lang ako mag-kuwento. Wala pa akong specific date kung kailan pa ako magiging handa basta ngayon ano lang ako masaya lang ako,” sambit pa niya.

Bongga!

Goin’ Bulilit, ‘di corny ang mga joke

NAGING Best Gag Show ang Goin’ Bulilit ng PMPC Star Awards for TV dahil hindi corny ang kanilang jokes. Nasasapawan pa nila ang pagpapatawa ng mga matatanda. Sadyang nakaaaliw naman talaga ang mga banat ng mga bata sa  naturang show.

Havey talaga ang mga comedy show ng Kapamilya gaya ng PMPC Star Awards for TV Best Comedy Show Home Sweetie Home , tuwing Sabado, 6:00 p.m., Banana Split: Extra Scoop tuwing Sabado ng gabi, ang Banana Nite tuwing weekdays pagkatapos ng Bandila, ang LUV U tuwing Linggo pagkatapos ng ASAP 19.

Talbog!

Roldan Castro

About hataw tabloid

Check Also

Bea Alonzo Lyle Menendez

Bea tinuligsa sa Halloween costume, post dinilete agad

MA at PAni Rommel Placente KONTROBERSIYAL na naman ngayon si Bea Alonzo. Ito’y matapos siyang mag-post …

Vice Ganda

Vice Ganda sa pagpasok sa politika — never mangangampanya at gagastos

MA at PAni Rommel Placente SA panayam kay Vice Ganda ng dating manager na si Ogie Diaz para sa …

Andre Yllana

Andre na-shock kotseng lumubog sa baha ‘di na naayos

RATED Rni Rommel Gonzales SARIWA pa sa isip ng marami ang pinsalang dulot ng super …

Coco Martin Kim Rodriguez

Kim Rodriguez ‘di malilimutan pag-aalaga  ni Coco

MATABILni John Fontanilla HINDI makalilimutan ni Kim Rodriguez ang mga sandaling naging parte siya ng FPJ Batang Quiapo. …

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

PINAGTIBAY ng Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International Pilipinas ang pakikipagtulungan para paigtingin ang mga hakbangin tungo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *