Tuesday , November 5 2024

SC ‘natutulog’ sa DQ vs Erap (MAC desmayado)

120514 erap dqNAGLAMAY ang grupo ng mga taga-Lungsod ng Maynila na Movements Against Corruption (MAC) sa harap ng Korte Suprema para ipakita ang kanilang pagkadesmaya sa Supreme Court sa patuloy na hindi pagtugon sa kanilang panawagan na desisyonan na ang disqualification case laban sa napatalsik na Pangulo at convicted plunderer na si Manila Mayor Joseph Estrada.

Ang grupo ay nagkilos-protesta sa harap ng Korte Suprema na may dalang kabaong habang suot ang belong itim sa kababaihan at may itim na arm band ang kalalakihan habang may hawak na mga kandila na mistulang may pinaglalamayan sa harap ng Kataas-taasang Hukuman. Ayon kay Leah Dimasilang, Secretary General ng grupong MAC, ang kanilang pagkilos ay dulot na rin ng kanilang kalungkutan dahil sa patuloy na pagbalewala ng Supreme Court sa panawagan ng mga taga-Maynila na linawin ang nasabing usapin na halos dalawang taon nang pinaglalamayan sa Korte Suprema. Umapela ang grupo ng MAC kay Associate Justice Mario Victor “Marvicf” Leonen, may hawak ng kaso, maging kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, na huwag na nilang paabutin pa sa susunod na taon ang pagdedesisyon sa kaso ni Estrada.

Bong Son

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *