Wednesday , November 6 2024

Sariling simbahan itatayo ni Manny ‘Pacman’ Pacquiao

111614 pacquiaoTUMABI-TABI na kayo Bro. Mike Velarde ng El Shaddai, Bro. Eddie Villanueva ng Jesus is Lord (JIL) at Ely Soriano ng Ang Dating Daan … bigyang-daan ninyo si Bro. Manny “Pacman” Pacquiao.

Hindi lamang ang kanyang training sa boksing at pagpapaunlad sa kanyang sariling training site ang pinagkakaabalahan ngayon ni Manny.

Aba ‘e itinatayo na ngayon ni  Pacman ang kanyang tw0-storey church building — tatawagin umano itong “The World for Everyone Movement Inc.”

Sa site development plan na ipinalabas ng kampo ni Manny, ang solar ng simbahan ay tatayuan umano ng prayer mountain, Bible study sanctuary, tennis court, fish pond, rock garden, picnic ground at water falls.

Target umano na matapos ito sa December 2015. Malamang itapat pa sa kanyang birthday ang inauguration nito.

Ipatatayo umano ni Pacman ang nasabing simbahan upang maging sentro ng kanyang spiritual na pagpapalakas.

Sa ganang atin, kung ano man itong pumapasok ngayon sa tuktok ni Pacman, matapos maging tanyag na boksingero ay naging artista, recording artist, game show host, poker player, billiard player, nagpolitiko, pumasok sa basketball at ngayon naman ay sa relihiyon, sana lang ay seryosohin niya ang kanyang tungkulin.

Huwag sanang masakripisyo ang mga constituent na dapat niyang paglingkuran.

Posibleng hindi nga niya ibubulsa ang pondo para sa distritong kanyang kinakatawan  pero dapat na nasusubaybayan niya ang mga tao sa kanyang paligid lalo na’t ang korupsiyon sa ating bansa ay sistemado na.

Huwag din sanang magamit ang simbahang kanyang itatayo sa pagkukulto dahil hindi ito magandang ehemplo.

By the way, wala bang planong magtayo si Pacman ng kahit 100 bahay lang doon sa Tacloban at sa iba pang probinsiya na sinalanta ng Yolanda?!

Itinatanong lang natin ito dahil alam naman natin na kayang-kayang gawin ‘yan ni Manny.

Sabi nga, “When God blesses you financially, don’t raise your standard of living, raise your standard of giving.”

Hindi ba brother money ‘este Manny!?

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *