Thursday , June 4 2026

Gold trader kinasuhan ng tax evasion

110714 gold barsKINASUHAN ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DoJ) ang isang gold trader dahil sa maling deklarasyon ng kita noong 2009 at 2010

Ayon kay Internal Revenue Deputy Commissioner Estela Sales, mahigit P69 milyon ang buwis na hinahabol ng BIR sa gold trader na si Rizaldy Goloran Chua, ng Sta. Cruz, Rosario, Agusan del Sur.

Nabatid kay Sales, hindi idineklara ni Chua sa kanyang annual income tax return para sa 2009 at 2010, ang lahat ng kanyang kinita mula sa pagbebenta ng ginto sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Nalaman ng BIR na nakapagbenta si Chua ng ginto sa BSP noong 2009 sa halagang P87.91 milyon ngunit ang idineklara lamang niya ay P190,000.

Habang noong 2010, nakapagbenta si Chua ng ginto sa BSP sa halagang P8.1 milyon ngunit idineklara lang niyang P204,000.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …