Tuesday , November 5 2024

Driver ng SUV na may plakang 8 nangholdap sa QC

110514 plate number 8HINOLDAP ang isang babee ng lalaking nagmamaneho ng Toyota Innova sa kanto ng Samar at Mother Ignacia Avenue sa Quezon City kahapon ng umaga.

Ayon kay Cindy Mangaya, 25, papasok na siya sa trabaho dakong 6:15 a.m. nang mangyari ang insidente.

Habang naglalakad, napansin niya ang isang nakaparadang gray Toyota Innova na nakabukas ang bintana.

Ilang saglit lang makaraan malagpasan ng biktima ang SUV, naramdaman niyang may humablot sa kanyang gamit.

Pagtingin niya, nakita niya ang lalaking bumaba mula sa driver’s seat ng Innova na inaagaw na ang kanyang gamit habang tinututukan siya ng baril.

Tinangka ng biktima na manlaban ngunit nang lalong ilapit sa kanya ang baril ay bumitaw na siya.

Kabilang sa natangay sa kanya ang P2,000 cash, dalawang cellphone at ATM card.

Ayon sa biktima, hindi siya nasaktan ngunit na-trauma siya sa pagtutok sa kanya ng baril.

Tumakas ang suspek sakay ng Toyota Innova patungo sa direksyon ng EDSA.

Nahagip ng CCTV ng Brgy. South Triangle ang insidente at nakitang may plakang 8 sa harapan ang Innova habang PLO-129 ang sa likuran.

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *