Wednesday , November 6 2024

Kailangang magbangon puri ni VP Binay

DALAWANG araw ako sa aming lalawigan nitong All Souls’ Day. Nakisalamuha tayo sa nga ordinaryong mamamayan. At nagulat tayong pinupulutan narin sa mga inuman ang kaso ni Vice President Jojo Binay. Negative na talaga ang kanyang imahe.

Ang mga sinasabi nila… Korap raw pala si Vice President Binay.

Oo, kailangan na talaga ni Binay na harapin o komprontahin ang kanyang accusers.

Kailangan nya ng mga dokumento o malinaw na paliwanag para lusawin ang mga ipinakitang ebidensyang nakalap ng Senate Blue Ribbon Sub-Committee upang maibalik ang tiwala sa kanya ng mga tao.

Sa Nobyembre 6, ang mother committee na ng Blue Ribbon ang mag-iimbestiga. At inimbitahan uli ng committee na ito ang Vice President para sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya, na nag-ugat lahat sa umano’y overpriced Makati Parking Building at sinundan ng “Hacienda Binay” sa Rosario Batangas at multi-million lagoon sa Tagaytay City.

Kailangan niyang magpaliwanag kung paano nya na-acquire ang umano’y mga ari-ariang ito at kung bakit hindi nakatala sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth.

Take note: Si Renato Corona ay natanggal sa pagiging Chief Justice ng Korte Suprema dahil sa pagsisinungaling sa SALN. Hindi malayong mangyari rin kay Vice President ito kapag hindi niya maipaliwanag ng mabuti sa Senate prove ang seryosong akusasyon laban sa kanya.

Pero ang pinakamasaklap dito ay ang unti-unti nang pagkakawala ng tiwala ng mamamayan kay VP Binay. Tsk tsk tsk…

Malaki rin ang maitutulong ng negosyanteng si Antonio Tiu para maibangon ang puri ni VP Binay kapag nakapagpakita siya ng mga dokumentong magpapatunay na pag-aari niya ang daan-daang ektaryang property sa Batangas na tinatawag ngayong “Hacienda Binay”.

So far kasi, sa dalawang beses niyang pagdalo sa Senate inquiry ay wala pang maipakitang matibay na dokumento si Tiu na pag-aari niya ang naturang bilyong halaga ng property.

Sa last hearing last week, ang tanging dalang dokumento kuno ni Tiu ay isang pahina ng Memorandum of Agreement (MOA) na hindi pa notaryado! Tuloy ay lalong lumalakas ang hinala na siya’y “dummy” lamang sa naturang kontrobersiyal na mga lupain.

Anyway, katotohanan nalang ang makapagliligtas sa pasama nang pasama na imahe ni VP Binay at kanyang mga anak na sina Makati Mayor Jun Binay, Congresswoman Abby Binay at Senadora Nancy Binay na nadawit narin sa kaso pati ang kanilang ilaw ng tahanan na si ex-Mayor Elenita Binay na kamakailan lang ay nagpiyansa sa Sandiganbayan sa kasong graft!

Subaybayan…

Puro kolorum mga sasakyan sa Cavite

– Muli, nananawagan kami sa LTFRB, LTO at HPG Cavite na aksiyunan naman ang grabeng kolorum ng mga pampublikong sasakyan na may rutang Imus-Binakayan, Imus Terminal Plaza kungsaag halos 100% colorum! Baka dumating ang panahon na magkaroon ng aksidente (huwag naman sana) at magiging kawawa ang mga pasahero. Malaki kasi ang butaw kaya hindi ito magalaw-galaw. Gov. Jonvic Remulla, pakialaman mo naman po ito. Dahil mismo sa Imus Terminal Plaza na pagmamay-ari ninyo namumugad ang mga kolorum! – 09372327…

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Apela ng seniors: Booklet tanggalin

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BIHIRANG-BIHIRA, kung nangyayari man, na nagsusulat ako ng pansariling …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy, hindi binigo ni Buslig laban sa kriminalidad sa QC

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANG umupo si P/Col. Melecio M. Buslig, Jr., bilang Director ng …

Sipat Mat Vicencio

Gabay ni Da King sa FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio NOONG nabubuhay pa si Fernando Poe, Jr., kaylan man ay hindi siya …

YANIG ni Bong Ramos

Walang kamatayang hearing sa House at Senate, meron bang nareresolba?

YANIGni Bong Ramos SUNOD-SUNOD at walang kamatayang hearing ang nagaganap sa Senate at House, ang …

QC-LGU, nakaiskor na naman – back-to-back pa

AKSYON AGADni Almar Danguilan WALA na yatang makatatalo o makadadaig sa Quezon City Local Government …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *