Thursday , June 4 2026

Sex video ni Paolo, ‘di nakabawas sa kanyang pagkatao

032514 Paolo Bedionesni Ronnie Carrasco III

LIKE A baton-wielding majorette who leads a band of musicians in many fiesta, nagsilbi ring pambungad ng nakaraang episode ng Startalk ang kuwento tungkol sa sex video ni Paulo Bediones.

Modesty aside, ang inyong lingkod would like to take credit for “outscooping” our fellow reporters sa paglathala rito ng nasabing balita in mid-July. We saw the sex video ourselves.

Pero hindi na ‘yon ang mahalaga. Para sa amin, hindi nabawasan ang aming respeto sa noo’y kabahagi ng Kapuso Network.

Si Lolit Solis ang bumabangka sa umpukang off-camera sa Startalk, making us recall ‘yung panahong marespetong namaalam si Paulo before taking the bold plunge intoTV5.  Kuwento ni  ‘Nay Lolit, Paulo practically went as far as hopping from one boss’s office in the news department  to another para magpaalam.

Personal ding sinadya ni Paulo ang Startalk—gayong kung tutuusin—what did he have anything to do with a showbiz talk show na hindi sakop ng kanyang departamentong lalayasan?

Pero marespeto si Paulo, a man of integrity. It’s just too bad na may ganitong isyu sa kanya, pasasaan ba’t ang STORY ngayon becomes HISTORY bukas?

Teri Onor, rumarampa habang naka-red T-back

NATATAWANG napapailing na lang daw ang aming male neighbour when he chanced upon and positively identified Teri Onor at a plush hotel in Mandaluyong City one recent Friday.

Bago ang poolside—where smoking is only allowed—ay daraan ka muna sa buffet area na unang naispatan ng aming nagyoyosing kapitbahay ang komedyante.

Sa buffet area ay takaw-pansin na raw si Teri, “Sa kulay pa lang ng suot niya, eh, center of attention na siya. Naka-red siyang pang-itaas at nakaputing pantalon na mala-see-through,” kuwento ng aming source.

“Pero nang lumakad na siya papalayo, muntik ko nang malunok ang usok ng yosi ko! Akala ko ‘yosi kadiri’ na ‘yung bisyo ko, mas nakadidiri pa pala si Teri Onor…nakapulang T-back! Hindi na kinilabutan!” sey ng aming kapitbahay na masuka-suka raw  sa nakita.

ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …