Friday , June 2 2023

Bagong-anak na sanggol hinayaang mamatay sa ulan (Iniwan ng ina sa bakanteng lote)

NATAGPUANG wala nang buhay ang bagong-anak na sanggol sa isang bakanteng lote sa Brgy. 86, Caloocan City kamakalawa.

Nakakabit pa ang pusod sa katawan ng sanggol na babae katabi rin ang placenta.

Ayon sa mga residente, nakarinig sila ng iyak ng sanggol dakong madaling-araw habang umuulan.

Agad nagtungo ang mga opisyal ng barangay sa kalapit na bahay at natagpuan ang duguang babae na kinilalang si Angelica Argana, 19, ng #139 Kalaanan St., Brgy. 86 ng nasabing lungsod, ngunit itinangging anak niya ang sanggol.

Ngunit kalaunan ay nagtungo sa barangay hall ang babae at inamin na iniwan niya ang sanggol sa labas at hinayaang mamatay.

Idinagdag niyang nagsinungaling siya dahil siya ay natatakot.

Agad dinala sa pagamutan ang suspek upang malapatan ng lunas.

Ayon sa mga awtoridad, ang suspek ay nakatakdang kasuhan ng parricide.

(ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *