Tuesday , July 16 2024

Saan Ka Man Naroroon Aking Mahal (Ika-39 labas)

HINANAP KO SI CARMINA SA PINAPAGSISILBIHANG AMO NI ARSENIA PERO WALA SIYANG MASABING IMPORMASYON

Prinublema ko kung paano makikita at makakausap si Carmina. Maging ang ilan sa mga kasamahan ko sa Toda ay nagsabi na hindi siya naisasakay ng mga ito. Sabi ng tricycle driver na panot, miminsan nitong naging pasahero si Carmina. “Nu’n lang araw na naikuwento ko na sa ‘yo.”

Si Arsenia. Maaaring makatulong sa akin ang dati naming kaklase ni Carmina. Alam ko ang kanilang bahay sa bandang Recto, ‘di-kalayuan mula sa palengke ng Divisoria. Kung hindi lumipat ng ibang tirahan ang pamilya ni Arsenia ay pihong madali kong matutunton.

Hindi ko ginamit ang aking traysikel sa paghahanap ng bahay nina Arsenia. Hindi pwede ang mga pampasaherong traysikel, lalo’t hindi doon nakarehistro ang linya. Sa paglalakad-lakad, napagtuunan ko ng pansin ang isang lumang bahay-residensi-yal. Gayung-gayon ang kina Arsenia. Pinagmukhang bago ito ng pintura at ilang renobasyon.

Kinatuk-katok ko ang gate na bakal. Nagtahulan ang mga aso sa loob ng bakuran ng bahay. Sa ungol at kahol, mahihinuhang mababangis at malalaking aso ang naroroong bantay-bahay ng amo. Sa ilan ko pang pagtuktok, may nagbukas ng pintuan sa ibaba ng dalawang palapag na tirahan.

Pamaya-maya pa, may sumilip na mukha sa maliit na butas ng gate na metal

“Sino po sila…” sabi sa akin ng tinig sa kabila ng nakapagitan na gate.

Nagpakilala ako sa pangalan at nakisuyo na kung maaari ay makausap ko si Arsenia. Sa pagkakaingay ng mga aso ay hindi ko alam kung narinig ako o hindi ng aking kausap. Pero kasunod ng pagkalampag ng bakal na pinto ay ang pagbubukas nito.

“Arsenia!” bigkas ko sa pagkasorpresa.

Humakbang palabas ng gate ang dati naming kaklase ni Carmina. Nakabestida. Sa ayos ay mukhang may mahalagang lakad.

Biglang sumagi sa isip ko: “Linggo nga pala ngayon.” Araw ng pagsamba sa sektang kinapapalooban ni Arsenia.

“Bakit?” tanong sa akin ni Arsenia.

“E,” kamot ko sa ulo.

“Problema ba?” ungkat ni Arsenia.

“”Problema ke Minay…’Di ko na alam ang gagawin.”

Napatitig sa mukha ko si Arsenia. Dumantay ang isang kamay niya sa balikat ko. Mandi’y dama niya ang paghihirap ng aking damdamin. Nagmistula akong isang musmos na nagpapakampi sa babaing kaharap.

Pahapyaw kong naikuwento kay Arsenia ang ilang bahagi ng aming kabataan ni Carmina. Pati ang panahon ng aming pagbibinata at pagdadalaga.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

SM Zamboanga FEAT

Becoming a ‘second home’ amidst adversity
Renewing hope: SM School building’s impact in Zamboanga

The School Building Program of SM Foundation enables the Zamboanga Central School-SPED Center to accommodate …

ICTSI Momentum Where is Matters Feat

ICTSI – Momentum Where it Matters

Building from one-country operation at the Port of Manila in the Philippines, ICTSI has pressed …

PPA FEAT

#Limaposalimampu:
PPA Launches Five New Port Projects on 50th Anniversary

THE Philippine Ports Authority (PPA), as the premiere maritime agency, continues to steer progress through …

Krystall Herbal Oil

Nagsugat na warts sa ulo natuyo sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

ICTSI Argentina Feat

Argentina’s Most Celebrated Culinary Traditions Deserve Argentina’s Most Modern Container Terminal

TecPlata SA, Argentina’s most modern container terminal, presents multiple advantages for exporters of the country’s …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *