Thursday , June 4 2026

Fashion designer nawawala

NAGPASAKLOLO sa National Bureau of Investigation  (NBI) ang mga kaanak at kaibigan ng fashion designer na si Vekart Adrao, 49, na dalawang linggo nang nawawala.

Ayon sa kapatid ng biktima na hindi nagpabanggit ng pangalan, natatakot sila na  baka dinukot si Adrao dahil may nakabanggang malaking tao ang nawawalang fashion designer.

Nalaman din na nakatanggap dati ng death threat si Adrao dahilan para ipasara niya ang kanyang shop sa Lungsod ng Marikina.

Huling   nakita si Adrao noong May 6,  may dalang malaking halaga ng  pera na ibinayad sa kanya ng isang kliyente.

Ilan sa mga artistang naging kliyente ni Adrao ay sina  Sheryn Regis, Snooky Serna, Toni Gonzaga, Rachel Anne Go, Ricky Reyes at iba pa.

Kung may nakakita kay Vekart o nakakaalam sa kanyang kinaroroonan, tumawag sa 964-03-25.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …