Saturday , October 12 2024

Saan Ka Man Naroroon Aking Mahal (IKA-27 labas)

 

SALESLADY NA PALA  SI CARMINA NG LADIES & MEN’S APPAREL  SA ISANG MALL  SA DIVISORIA

Nakitango ako sa mga kasamahan sa hanapbuhay.

Wala akong alam kung natuloy o hindi ang “usapang lasing” noon ng mga kasamahan kong tricycle driver.  Wala akong kainti-interes na mambabae. Sa gulang kong beinte dos anyos, matanda lang ng tatlong taon kay Carmina, ay hindi pa masasabing kinupasan na ako ng “gigil”.  Pero may mga lalaking tulad ko  ang masyadong ideyalista, hindi kayang sumiping sa ibang babae nang hindi sangkot ang damdamin.

Dalisay at walang bahid-malisya ang pag-ibig ko kay Carmina.  Maging noong mga panahong madalas ang pagkikita na-min, sa araw man o gabi, ay hindi sumagi sa isipan ko na samantalahin ang mga pagkakataon. Iginalang ko Carmina.  Minsan man ay hindi ko pinag-interesan ang katawan ng babaing aking iniibig. Kahit  malimit pa kaming magkasarilinan noon sa inuuwian kong tira-han, o sa mismong  traysikel sa garahe ng aking operator. O kahit sa pagsama-sama niya sa akin sa kung saan-saang galaan.

Ay, Carmina!

Mag-aala-sais na ng hapon nang maisakay ko sa traysikel ang babae na nagpahatid sa  akin sa malaking kapilya ng isang pangrelihiyong kongregasyon na nasa tabing kalsada ng Kalye Capulong.  Hindi nagreklamo ang pasahero sa paniningil ko ng “special trip” sa pasahe. At binigyan pa ako ng tip, isang matamis na ngiti.

“Si Totoy ka, di ba? Si Avelino…”

Napatitig ako sa babae. Hindi ko mamukhaan kung sino ang babaing may giliw sa tinig sa pakikipag-usap.

“Ako si Arsenia,” pagpapakilala sa akin ng babae.  “Naging magkaklase tayo sa grade three nina Minay… ni Carmina.”

Halatang naghahabol sa oras, nabanggit pa rin sa akin ng babae ang ilang mahahalagang bagay na may kaugnayan kay Carmina.

“Salamat sa Diyos at kahit paano’y me maayos-ayos na siyang trabaho ngayon.”

“N-naipasok mo ba  siya ng trabaho? Saan? Kelan pa?” ang sunud-sunod na pagtatanong ko.

Sabi ng kausap ko, saleslady na si Carmina sa isang tindahan ng mga kasuotang pambabae at panlalaki sa isang mall sa Divisoria.

“Matagal-tagal na rin, may ilang buwan na siguro du’n si Minay.”

Mahigit isang taon na palang hindi ko nakikita si Carmina.  Ang huli namin pagkikita  sa aming barangay hall. (Itutuloy)

ni  Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

PNB Every Step Together Rebranding Campaign of the Year copy

PNB’s ‘Every Step Together’ named as Rebranding Campaign of the Year 

Philippine National Bank (PSE: PNB) was given the recognition, Rebranding Campaign of the Year in …

CALABARZON’s first Metals and Engineering Innovation Center inaugurated at BatStateU Malvar

CALABARZON’s first Metals and Engineering Innovation Center inaugurated at BatStateU Malvar

THE first ever Metals and Engineering Innovation Center (MEIC) in CALABARZON was officially inaugurated at …

SM Foundation clinches CSR Company of the Year at the 15th Asia CEO Awards

SM Foundation clinches CSR Company of the Year at the 15th Asia CEO Awards

SM Foundation, the social good arm of the SM Group, has been named Corporate Social …

Krystall Herbal Oil

Ubo, sipon sa amihan dapat paghandaan sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Connecting Continents: The Impact of ICTSI’s Operations in Nigeria on Philippine Trade and Development

INTERNATIONAL Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) has established itself as a global leader in port …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *