Saturday , October 5 2024

China maging big brother na lang, ‘wag mam-bully

MAGANDA ang laman ng kolum kahapon ni Colonel Gerry Zamudio ng Philippine Air Force sa Police Files TONITE at sa HATAW!

Mungkahi ni Zamudio, ang very humble information officer ng PAF, imbes mam-bully o manakop ng ibang teritoryo sa Asya gamit ng kanilang pinalakas na military ang China, makabubuti na kaibiganin nalang nito ang mga karatig bansa sa Asya at pamunuan bilang big brother sa pagpapaunlad ng kalakaran sa Asian countries.

Ang China ay hindi maitatatwang isa na sa pinakamaunlad na bansa ngayon. No. 1 sila sa Asya at treat sa ekonomiya ng Estados Unidos. Trilion nga raw ang utang ng US sa China.

Kung pamumunuan ng China ang Asian countries, pag-usapan ang mga dapat gawin para maging maunlad ang Asya tulad ng Europe at USA, siguradong aayon ang gobyerno ng maliliit na bansa na naghahangad umunlad.

Pero kung ipagpapatuloy ng China ang pananakot sa mga karatig bansa sa Asya tulad ng Pilipinas, Japan, Vietnam, Taiwan at Thailand, gulo ang magiging bunga. Dahil kahit maliliit ang bansang ito ay siguradong lalaban hanggang kamatayan.

Sa giyera ay walang panalo. Lahat ay talo.

Pero kung kalakaran o negosyo ang itutulak ng China sa Asya, lahat ay call! Dahil ayaw ninuman ng giyera. Peace!

Pinansyal na tulong hinihintay pa rin ng Yolanda victims

– Sir Venancio, gud day! Tanong ko lang po sa mahal natin na presidente kung kailan nila ibibigay ang tulong na pinansyal para sa mga biktima ng Yolanda sa Samar at Leyte. Kasi kalahating taon na panay ang intebyu at lista, ala namang dumarating sa amin. Maawa naman kayo. Wala na ngang relief, ala pang pinansyal na tulong. – 09098483938

Sa pagkakaalam ko po ay tinabla ni PNoy ang P40K na hinihinging pinansyal ng mga biktima ng Yolanda. Sa halip ay pinatatayuan nalang ng bahay ang mga nawalan ng tahanan. At may mga organisasyon din na nagbibigay ng livelihoods sa mga biktima. Makabubuti na makipag-ugnayan kayo sa inyong barangay officials o sa mayor para mabigyang solusyon ang problema ninyo.

Namimili ang tserman

ng bigyan ng materyales

mula sa DSWD (Leyte)

– Sir, dito po sa amin sa Calipayan, Dagami, Leyte, bakit ang kapitan ang nagde-decide kung sino lang ang puede mabigyan ng libreng materyales na bigay ng DSWD? Pano naman po yung mga hindi nila nililista, walang matatanggap kahit ano? Kawawa namah po kami. Pls. don’t publish my number. – Residente ng Calipayan, Dagami, Leyte

Sa barangay kasi ipinagkakatiwala ng DSWD ang mga tulong mula sa gobyerno. Dahil sila ang tulay ng gobyerno sa komunidad. Sila ang nakakaalam kung sino ang mga higit na ngangailangan ng tulong sa isang lugar. Kaya kung kayo ay kabilang sa mga dapat tulungan, lumapit kayo sa inyong barangay officials laluna sa tserman. Kung galit sa inyo ang tserman dahil kabilang partido kayo, dumirekta ka sa inyong mayor. Okey?

Talamak ang bentahan

ng shabu

sa Halang, Imus, Cavite

– Sir Joey, talamak na po ang bentahan ng shabu dito sa bayan ng Poblacion 4A, Halang, Imus, Cavite. Protektor nila ang isang barangay chairman at may lagay sila sa mga pulis kaya di mahuli ang dalawang nagbabagsak ng droga na sina alyas “Komang” at alyas “Udog”. Pamanmanan nyo po sila. Huwag nyo po ilabas ang numero ko. Kasi uso ang patayan sa lugar na ito. – Concerned citizen

Paging Imus Police, pakimanmanan ang ulat na ito.

Problema sa Asuncion Market

(Tondo 1, Manila)

– Gud day at mabuhay po kayo, Sir Joey Venancio. Nais ko lang po sana ilapit sa inyo ang problema sa Asuncion Market sa Asuncion st. corner Zaragosa, Tondo. Matagal na po may cease and desist order laban po sa kasalukuyang management ng market. Ngunit hanggang ngayon po ay patuloy parin sa pag-o-operate ang nasabing management. Patuloy nya po binabalewala yung utos ng City Hall. Sana po ay matulungan nyo kami na maiparating sa kinauukulan ang problema namin. Maraming salamat. – 09491613…

Hindi po ako abogado. Pero kung ganyan na hindi pa ipinatutupad ang cease and desist order, ibig sabihin niyan ay mayroon pang nakasampang apela yan sa korte na kailangang resolbahin. Korte po ang magdedesisyon sa usaping legal na ito. Alam po yan ng inyong abogado.

Joey Venancio

About Joey Venancio

Check Also

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Maine sa paglilibang ng Pinoy Drop Ball — Let’s be a responsible gamer, balanse ang saya sa pagtaya

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA opisyal na pagbubukas ng Pinoy Drop Ball ng BingoPlus, masayang ibinahagi ng ambassador …

Diwata

Diwata papasukin ang politika para maging boses ng mga vendor 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging Online Sensation at matagumpay na negosyante, sasabak na rin …

Alexa Ilacad Ryrie Sophia Kim Ji-soo Mujigae

Korean actor Kim Ji Soon bilib sa child star na si Ryrie Turingan

MATABILni John Fontanilla NAPAHANGA ang Korean actor na si Kim Ji Soo sa  husay magsalita ng Korean …

Rhian Ramos Sam Verzosa SV

Rhian suportado pagtakbo ni SV— I’ve never campaign anyone in my whole life pero if he needs me andoon ako 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SAMPUNG mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng P200-M ang ibinenta ni Tutok …

Alexa Ilacad Ryrie Sophia Kim Ji-soo Madonna Tarrayo Mujigae

Alexa hinangaan na trailer pa lang ng Mujigae

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MATAGAL bago muling nakagawa ng pelikula ang Uxs (Unitel x Straightshooters) at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *