MATAPOS mag-concentrate sa public service ni Congressman Alfred Vargas na nagwagi siya bilang Congressman sa Fifth District ng Quezon City noong 2013, muli siyang gagawa ng pelikula.
Isa si Alfred sa anim na bida sa pelikulang Separados, isa sa entries sa forthcoming Cinemalaya 2014. Ang naturang pelikula ay pamamahalaan ni Direk GB Sampedro at mula sa script ni Aloy Adlawan. Ang iba pang bumubuo ng separados ay sina Anjo Yllana, Jason Abalos, Victor Neri, Ricky Davao, at ang singer na si Erik Santos.
Sa magandang line-up nito at sa nakikita naming tema ng pelikulang ito, tiyak na isa ito sa aabangang pelikula sa darating na Cinemalaya 2014.
Noong taong 2012 nang huling gumawa ng pelikula si Congressman Alfred sa pamamagitan ng Supremo, na true to life story ni Gat Andres Bonifacio. Dito’y nanalo si Alfred bilang Best Actor mula sa 10th Golden Screen Awards ng aming grupong Entertainment Press Society Incorporated o ENPRESS noong sumunod na taon.
Bukod sa pagbibida sa Supremo, si Alfred din ang producer ng naturang indie film.
Nagtabla sina Alfred at ng beteranong award-winning actor na si Eddie Garcia (Bwakaw) para sa Best Actor sa naturang award giving body.
Incidentally, last March 29 ay pumanaw na ang dakilang ina ni Congresman Alfred na si Atty. Ching Vargas dahil sa uterine cancer.
Anyway, isa ang Separados sa sampung official finalists ng New Breed section ng Cinemalaya, na ngayon ay nasa ika-sampung na. Nakatakdang ipalabas sa Ayala Cinemas at CCP Theaters sa August 1-10a, 2014 ang annual filmfest na ito.
Sa anim na cast nito, napag-alaman naman namin ang papel nina Erik at Ricky.
Papel na battered husband ang gagampanan dito ni Erik. Isa siyang call center agent na ang napangasawa ay ang mas may edad niyang lady boss na sinasaktan siya kapag nagagalit ito sa kanya, kahit sa pinaka-maliit o pinakamababaw na dahilan lamang.
Si Ricky naman ay gumaganap dito bilang isang tatay na noong middle age niya ay nagdesisyong magladlad. Madidiskubre ng kanyang anak na babae ang pakikipagrelasyon nito sa isang troubled businessman.
PELIKULANG THE JANITOR, KAABANG-ABANG
SPEAKING of Cinemalaya 2014, ang isa pa sa aabangang entry para sa yearly filmfest na ito ay ang pelikulang The Janitor. Ito ay tinatampukan ni Dennis Trillo na sa pagkaka-alam namin ay gaganap dito bilang pulis na siyang tutugis sa mga bank robber.
Ang naturang pelikula ay base sa RCBC bank robbery noong July 2013 na itinuturing na bloodiest bank robbery sa buong Pilipinas.
Bukod sa matinding action movie ito, mapapansin agad ang pagiging kargado sa bigating stars ng pelikulang The Janitor. Bukod kasi kay Dennis, kasama na rin sa casts nito ang TV5 star na si Derek Ramsay. Gaganap dito si Derek bilang pinuno ng mga bank robber.
Ang naturang pelikula ay mula sa direksiyon ni Direk Michael Tuviera.
Sina Derek at Direk Michael ay nagkasama noon sa TV series na Kidlat sa TV5.
Bukod kina Dennis at Derek, kasama rin sa pelikula sina Richard Gomez, LJ Reyes, Raymond Bagatsing, Jamilla Obispo, Dante Rivero, Alex Vincent Medina, at iba pa.
ni Nonie V. Nicasio