Friday , October 11 2024

Raymart, pinalitan na ni Claudine!

ni  Art T. Tapalla

HINDI na tayo nagtaka kung meron nang kapalit sa puso ni Claudine Barretto ang asawang si Raymart Santiago.

Matatandaang naging masalimuot ang relasyong-may-asawa ng dalawa na humantong pa sa husgado ang kontrobersiyang kanilang kinasangkutan na kung iisa-isahin ay marami ang madadamay at maaaring ikawindang ng mga taong sangkot.

Ironya ng mga ironya, matapos ang kanilang kontrobersiya hinggil sa kanilang pananakit kay Ramon Tulfo sa arrival area ng Cebu Pacific, noong nakaraang taon, silang mag-asawa naman ang naging sentro ng alingasngas na naglanding sa mga gossip columns ng mga pahayagan.

Heto ngayon si Claudine, gumawa na naman ng kontrobersiya sa kanyang latest posting sa Instagram kasama ang isang tisinitong hombre na kanyang ipinakilalang ‘kaibigan’ si Mark Anthony.

Marami ang nagtaas ng kilay dahil ang unang kasintahan ni Claudine sa showbiz ay ang actor na anak nina Alma Moreno at Rudy Fernandez, si Mark Anthony Fernendez.

“Kaibigan ko lang talaga siya… we’re usually together because may project kami,” pahayag ni Claudine  sa “24 Oras” nitong Martes.

Kasunod noon ang pagkalat ng tsismis na ang dalawa’y nagkakamabutihan na lalo’t pawang makahulugan ang mga caption na kanyang inilalagay sa kanilang mga kuhang litrato.

Gaya sa  larawan na magkasama ang dalawa na kanyang inilagay sa Instagram nitong Lunes: “Mark & i 🙂 thanks for today.super thank u.i luv u!”

Sa isa pang larawan na kanyang inilagay nitong Martes, naka-abresiyete si Claudine kay Mark Anthony na may caption: “Yesterday’s Bonding With Mark Anthony:)”

Samantala, sa panayam sa aktres, sinabi niyang mahirap para sa kanya na iwanan ang kanyang dalawang anak at handa niyang talikuran ang showbiz para sa kanila.

Dagdag niya, “Hindi sa walang offers or anything, ‘yung safety nila and pinakakailangan and ‘yung emotional well-being nila ang pinakakailangan na tututukan.”

Hindi nakatanggi ang bunso ng mga Barretto sisters nang ma-corner siya ng palabang movie reporter/radio program host, Jobert Sucaldito sa kanyang “Mismo”  program kamakailan.

“Biglaan talaga. Hindi ko alam na guest ako. First time ko in a long time. Sabi ko, ‘Prepare niyo naman ako! Sa pelikula, pinapa-motivate.’ Ako, wala. Talagang pinababa ako. ‘Puwede bang mag-lipstick muna?’ Grabe, pero it’s so nice to be here,” komento niya sa isang pang panayam.

Sa nasabing panayam, kasama ni Barretto ang kanyang abogadong si Atty. Topacio, na nagbanggit hinggil sa kanilang inaayos na legal na hakbang sa pagitan ng mag-asawa.

Ani Topacio, naghahanda ang kanilang kampo sa korte na hindi maaaring banggitin sa radio.

Samantala, binanggit ni Claudine, sa Mayo 29 ang anak na si Sabrina ay magkakaroon ng recital sa Samart Araneta Coliseum  at wish niya na naroon din si Raymart.

Sabi niya, “Kawawa na naman ‘yung anak ko kung wala ‘yung tatay niya doon di ba. They really have to get along ang start to have a relationship with Raymart again.”

TRIBUTE SA SENIOR CITIZENS

Nag-aanyaya ang  Lopez Provincial  High School Class ’71 sa Plaza ng Lopez  para sa kanilang natatanging pagbibigay pugay sa mga Senior Citizens ngayong Sabado, May 10, 2014 na merong natatanging partisipasyon ng mga kabataan, kabataang propesyonal  at ang mga may batang puso.

Libre ang nasabing okasyon  na kanilang tinawag na: “jS Prom: Age Doesn’t Matter Baylehan @ 60 (A Tribute to Seniors)” ay isang sayawan na may layuning makalikom ng pondo para sa pangangailangang pangkalusugan, na unang inilaan para sana sa organisasyon ng paaralan na napagkasundaun ng mga namumuno na  mas palawakin  at sinakop ang buong pamayanan.

Sa nasabing okasyon, magkakaroon din ng Trade Congress sa Lopez Covered Court mula  8:00a.m. hanggang 4:00 p.m., na susundan ng isang konsiyerto dakong 6:00 p.m. na tampok ang tinaguriang Amazing Diva Armie Zuñiga, mang-aawit na si Jermuel Arela at ang  pamosong  mang-aawit/kompositor si Eric Valeña.

Kasunod nito ang Baylehan dakong  7:00 p.m. tampok ang isa sa Manila’s top bands, ang Nonoy Lopez Orchestra.

Magkakaroon din ng pa-raffle na ang mga premyo ay mula sa kagandahang loob ng Sun Cellular, Erase Plancenta at Mega C!

About hataw tabloid

Check Also

Carlos Yulo Chloe San Jose

Chloe sa mga tumatawag sa kanya ng famewhore — nakapag-build na ako ng name before ko pa makilala si Caloy

MA at PAni Rommel Placente IPINAGTANGGOL ni Chloe San Jose ang sarili sa akusasyon ng  kanyang bashers, …

Vico Sotto Vic Sotto Coney Reyes

Vic at Coney walang kakaba-kaba sa muling pagtakbo ni Vico — Matatalino ang Pasigueño, style na bulok hindi na uubra

MA at PAni Rommel Placente NAGBIGAY ng reaksiyon si Vic Sotto sa mga naninira sa anak niyang …

Alexa Ilacad Kim Ji-soo

Alexa ‘natakot’ kay Kim Ji soo

RATED Rni Rommel Gonzales AMINADO si Alexa Ilacad na sa simula ay na-intimidate siya sa leading man …

Wilma Doesnt Zoren Legaspi

Wilma ‘di naitago pagnanasa kay Zoren — Sana mai-guest tapos liligawan si dyosa

RATED Rni Rommel Gonzales DAHIL madalas silang magka-eksena sa Abot Kamay Na Pangarap, tinanong namin si Wilma …

Herbert Bautista Gian Sotto

Bistek muling tatakbo sa QC, kakalabanin VM Gian Sotto

I-FLEXni Jun Nardo MAGBABALIK din sa politika si former Quezon City Mayor Herbert Bautista mula sa source …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *