Friday , June 2 2023

US Embassy official nagwala sa Ermita

ISANG sinabing opisyal ng Embahada ng Estados Unidos ang napaulat na nagwala at pinagmumura ang mga Pinay na dumaraan sa isang kalye sa Ermita, Maynila, iniulat kahapon.

Ayon sa mga nagreklamong residente at empleyado, may tatlong oras na nagsisigaw ang opisyal na kinilalang si Brian Platt, US Embassy attaché at nakatalaga sa Naval Criminal Investigation Service (NCIS) sa panulukan ng M.H. Del Pilar at Sta. Monica at pinagmumura ang ilang mga Pinay na dumaraan sa nasabing lugar.

Ayon sa mga nakasaksi sa pagwawala ni Platt, mistulang naghuramentado ang Amerikano sa pag-akusa sa mga Pinay na mga magnanakaw daw at mga prostitute.

Naganap ang pangyayari nitong Marso 23 ng gabi habang lasing na lasing umano si Platt matapos uminom sa isang bar.

“Ang ganitong kilos ng isang opisyal ng US Embassy ay bahid sa kanilang pamahalaan. Sa halip na magbigay sila ng respeto ay sila pa ang nambabastos,” pahayag ng isang saksi.

“Itinuturing pa naman natin ang US bilang ‘big brother,’ lalo na dahil ang ating mga kababayan ay naging katuwang, o brothers-in-arms, ng mga sundalong Amerikano sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Korean War, Vietnam War  at ilan pang labanan sa Gitnang Silangan at Europa,” punto ng saksi.

(Tracy Cabrera)

About hataw tabloid

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *