Thursday , April 25 2024

T’yak na pondo sagot sa klimang nagbabago

101813_FRONT
MATAPOS salantain ng bagyong Santi ang mga sakahan at produktong agrikultura noong Sabado, itinutulak ngayon ni AGRI partylist (Agri- Agra Para sa Magsasakang Pilipinas) Rep. Delph Gan Lee ang “mas nakatuon at mahabaang pagbuhos ng pondo ng gobyerno sa sektor ng agrikultura upang ibsan ang perhuwisyong dala ng climate change.”

Sa pahayag kamakalawa, iginiit ni Gan Lee na bukod sa masinsinang pagpapatupad ng mga roadmaps, “gaya ng FSSP (Food Staples Self-sufficiency Program),” na nagseseguro sa patuloy na kabuhayan ng sektor, “kailangang mapatatag nang husto ang mga programang nagbibigay ng tulay sa mga magsasaka at mangingisda sa maliitang pamumuhunan.”

“Karamihan sa mga magsasaka ay nabubuhay lamang sa pagtatanim at sila ay walang kakayahang tumustos sa pangangailangan sa karagdagang pamumuhunan. Kaya nga napipilitan silang kumapit sa patalim at madalas mabiktima ng mga ususero o loan sharks dahil sila mismo ang lumalapit sa kanila tuwing may kalamidad o dagliang pangangailangan,” ayon sa mambabatas.

Ipinaliwanag pa niya na ang kanyang panukalang batas na may titulong “Agriculture Micro-Credit Act of 2013,” ay napapanahon dahil ang gobyerno “ay mas madaling maglaan ng pondo para sa microcredit o maliitang pagpapautang kung nais ibsan ang kahirapan sa mga kanayonan at, bilang resulta, ay maseseguro ang katiyakan sa mas mataas na produksyon.”

“Hanggang ngayon, ang pagpapabuti ng kalagayan ng ating mga magsasaka ay nananatiling hamon para sa pamahalaan at ito pa rin ang pangunahing problema sa mga kanayunan. Ang microcredit ay itinuturing na isang bagong paraang pinansyal tungo sa pagbabawas sa bilang ng mahihirap lalong-lalo na sa mga kanayunan.”

Ang panukalang batas ni Gan Lee ay naglalayong bigyan ng serbisyong pinansyal at pagpapautang ang mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng Land Bank of the Philippines at iba pang naaayong pasilidad “bilang ayuda sa produksyon, marketing, pamamahagi ng ani at sa pagpapadaling makakuha ng bagong kagamitan, makinarya, kasangkapan at iba pang mga pangangailangan sa kanilang hanapbuhay.”

Ang programang nakapaloob sa panukala na inisyal na popondohan ng P25 bilyong piso ay naglalayong ihatid sa buong bansa ang mga “pagpapahiram ng pondong pambili ng mga hayop na gamit sa pagsasaka, mga kagamitang pambungkal ng lupa, binhi, abono, poltri o paghahayupan, mga patuka at katulad na produkto” para sa maliliit na magsasaka.

“Ibinibigay na ng FSSP ang direksyon na kailangang tahakin ng ating bansa tungo sa food security. Ang masusing pagtalima at pagpapatupad sa nasabing plano kaakibat ng panukalang batas na magtutuon ng pondo ang gobyerno upang ibsan ang kahirapan at bigyan ng kakayahan ang mga nasa sektor ng agrikultura ay magseseguro sa pag-abot natin sa ating mga ninanais – dumating man ang unos o hindi,” dagdag pa ng mambabatas.

Sa inisyal na pagtaya ng gobyerno, umabot sa P2.9 bilyon  ang halaga ng nasalanta ng bagyong Santi sa sektor ng agrikultura at umaabot din sa 133,000 metriko tonelada (MT) ang nabura sa produksyon ng bigas sa bansa. Ang mga ito ay karagdagang dagok sa sinasabing “kakulangan sa produksyon ng bigas mula sa kalahating milyon hanggang 1.4 milyong MT” sa pagtaya ni Sec. Arsenio Balisacan ng National Economic and Development Authority na nauna nang nanukalang “umangkat ang bansa ng kalahating milyong MT upang punan ang kakulangan sa suplay nito.”

Matatandaan, katulad ng NEDA, itinatadhana rin ng FSSP na ilipat na ang “pangunahing tungkulin ng pag-aangkat ng mga produkto sa pribadong sektor,” dahil mas makabubuting ilaan ang pondo ng pamahalaan sa irigasyon upang higit na pag-ibayuhin ang produksyon ng bigas, ibaba ang presyo nito at palaguin ang kita ng mga magsasaka.

Nitong Abril, umabot na sa US$94.5 milyong dolyar o mahigit P4 bilyon ang naigasta ng DA at ng NFA sa pag-angkat ng 205,700 MT ng bigas mula Vietnam sa halagang US$459.75 dolyar kada MT, labas pa rito ang mga bayarin sa pagbubuwis.

Maraming sektor na ang nagbunyag na ang nabanggit na importasyon umano ay overpriced ng halos kalahating bilyong piso.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *