Thursday , June 4 2026

TimeLine Layout

January, 2026

  • 6 January

    Para sa Traslacion 2026
    Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

    Manila

    HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 Enero, ang serye ng mga kautusang titiyak sa kaligtasan, kaayusan, at kataimtiman ng pagdiriwang ng Pista ng Jesus Nazareno sa Biyernes, 9 Enero. Sa pamamagitan ng Executive Order No. 1, Series of 2026, sinuspinde ni Domagoso ang lahat ng trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan …

    Read More »
  • 6 January

    Sa Port of Clark, Pampanga
    HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

    Clark Pampanga

    NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa dalawang parsela sa Port of Clark, lalawigan ng Pampanga. Ayon sa ulat mula sa Bureau of Customs (BoC), nagmula ang kargamento, unang idineklara bilang car mats, sa bansang Austria at patungong Lungsod ng Davao sa ilalim ng parehong consignee. Ngunit sa isang pisikal na pagsusuri …

    Read More »
  • 6 January

    Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

    Nicolas Torre III MMDA

    MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang bagong general manager ng ahensiya, na nangakong gagamitin ang kanyang malawak na karanasan mula sa puwersa ng pulisya sa bagong yugto ng kanyang karera sa serbisyo publiko. Sa isinagawang seremonya ng pagtataas ng watawat kahapon, 5 Enero, nagbigay ng mensahe si Torre sa mga tauhan, …

    Read More »
  • 6 January

    Prangka kaysa pakitang-tao

    Firing Line Robert Roque

    FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa One News TV, maa-appreciate mo ang pagiging candid ni Navotas Rep. Toby Tiangco — at dahil doon, masasabi ko ito: mas inclined akong maniwala sa kanya. Hindi ko sinasabing perpekto si Tiangco, pero kung ikokompara mo siya kay Batangas Rep. Leandro Leviste — na siyang …

    Read More »
  • 6 January

    Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

    Sipat Mat Vicencio

    SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang kanyang sarili sa nangyayaring kontrobersiya at gulo hinggil sa usapin ng maanomalyang flood control projects. Ang bilyon-bilyong pisong korupsiyon sa flood control project ay hindi maaaring makalusot sa Kongreso kung sina dating Speaker Martin Romualdez at dating Congressman Zaldy Co lamang ang ‘magma-magic’ at walang …

    Read More »
  • 5 January

    PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

    PFF FIFA Futsal

    ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang ng kakayahan ng bansa na magsagawa ng isang world-class na paligsahang pampalakasan. Ipinamalas din nito ang puso ng diwa ng Pilipino: sama-samang pagmamalaki, kolektibong lakas, at matibay na paninindigan na itaguyod ang women’s sports mula sa grassroots hanggang sa pandaigdigang entablado. Pinarangalan ng Philippine Football …

    Read More »
  • 5 January

    Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

    explosion Explode

    NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang isa pa nilang kasama, na itinuturong responsable sa pagpapasabog ng nakamamatay na paputok bago ang pagsalubong ng Bagong Taon noong 31 Disyembre, sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan. Dahil sa malakas na pagsabog ng sinasabing ‘deadly firecracker,’ nasira ang ilang mga bahay at siyam …

    Read More »
  • 5 January

    Lalaki nalunod noong bisperas ng Bagong Taon, Katawan natagpuan makalipas ang 2 araw

    Lunod, Drown

    MATAPOS ang dalawang araw na paghahanap, natagpuan na ang bangkay ng isang lalaking pinaniniwalaang nalunod sa ilog sa Brgy. San Mateo, bayan ng Norzagaray, lalawigan ng Bulacan, noong bisperas ng Bagong Taon, 31 Disyembre. Sa ulat, kinilala ang biktimang si Kevin Ramboyong, 27 anyos, residente ng Malaria, North Caloocan, na natagpuang lumulutang sa bahagi ng Bitbit River, sa Brgy. San …

    Read More »
  • 5 January

    Murder suspect sa Bulacan tiklo sa Nueva Ecija

    Arrest Posas Handcuff

    NADAKIP ng mga awtoridad sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Sabado, 3 Enero, ang isang lalaking suspek sa insidente ng pamamaril Plaridel, Bulacan. Naganap ang insidente ng na pamamaril sa parehong araw sa harap ng isang gasolinahan sa Cagayan Valley Rd., Brgy. Tabang, sa nabanggit na bayan kung saan binawian ng buhay ang isang 40-anyos na lalaking …

    Read More »
  • 5 January

    Benefit concert ni Maricar Aragon matagumpay

    Maricar Aragon

    MATABILni John Fontanilla DINUMOG ang kaatatapos na benefit concert ng singer na si Maricar Aragon, ang Me and My Music na ginanap sa  Viva Cafe kamakailan. Idinirehe ito ni Nanette Dela Peña. Beneficiary ng concert ang Tanging Hiling Organization Cancer Warriors. Ayon kay Maricar ginagawa nila ang ganitong concert para makatulong sa mga taong may cancer. At para matulungan na rin ang mga kabataang …

    Read More »