Saturday , January 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa dalawang parsela sa Port of Clark, lalawigan ng Pampanga.

Ayon sa ulat mula sa Bureau of Customs (BoC), nagmula ang kargamento, unang idineklara bilang car mats, sa bansang Austria at patungong Lungsod ng Davao sa ilalim ng parehong consignee.

Ngunit sa isang pisikal na pagsusuri sa kargamento ay nakakompiska ng kabuuang 4,124 tableta ng hinihinalang ecstasy na tinatayang may kabuuang halagang P7,040,125.

Ayon sa mga tauhan ng Customs, isinagawa ang inspeksiyon matapos ma-flag ng X-ray team ng BoC ang mga parsela para sa mga kahina-hinalang imahen.

Sa pagsusuri, ang unang parsela ay natagpuang naglalaman ng 2,693 tableta ng ecstasy na tinatayang may halagang P4,591,275, habang ang pangalawa ay nakakompiska ng 1,431 tableta ng ecstasy na may halagang P2,448,850.

Nagpositibo sa ilegal na droga ang mga nakompiskang tableta sa inisyal na on-site presumptive drug test ngunit ang mga sample nito ay isinumite sa PDEA para sa confirmatory laboratory examination.

Habang hinihintay ang beripikasyon, sinabi ng BoC na maglalabas ito ng warrant of seizure and detention para sa mga parsela dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Curlee Discaya

Hinanakit ni Curlee
Discaya, nagsisi sa kontrobersiyal na ‘name-names’
Sangkot na politicians nananatiling untouchables

MALAKI ang pagsisisi ng kontraktor na si Pacifico “Curlee” Discaya sa ginawang pagpapangalan sa mga …

arrest, posas, fingerprints

Natunton sa Quezon City
7 notoryus na kawatan sa Central Luzon timbog

Sa pamamagitan ng mabilis na koordinasyon, patuloy na pagsubaybay, at determinadong gawain ng pulisya, naaresto …

Bustos Bulacan

Sa pagbubukas ng ika-16 Minasa Festival
Bustos pinaningning ang ipinagmamalaking kultura

Opisyal nang binuksan ng Pamahalaang Bayan ng Bustos ang ika-16 na pagdiriwang ng Minasa Festival …

PSC Pato Gregorio PHILTA John Rey Tiangco WTA

Lokal organizers handa na sa Philippine Women’s Open

“WTA 125 Manila. Handa na kami!” ITO ang tiniyak kahapon ng mga organizer kaugnay ng …

Bustos Bulacan

Bustos town ignites cultural pride with the kick-off of the 16th Minasa Festival

CITY OF MALOLOS – The Municipality of Bustos officially commenced the 16th iteration of the …