Monday , December 15 2025

TimeLine Layout

August, 2022

  • 1 August

    Lovely Bravo, challenging ang role sa Ang Katiwala ng Juanetworx

    Lovely Bravo Ang Katiwala Juanetworx

    ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG 19 year old na si Lovely Bravo ay isa sa tampok sa pelikulang Ang Katiwala na very soon ay mapapanood na sa Juanetworx. Ito’y mula sa pamamahala ni Direk Joven Tan at pinangungunahan din ito nina Ronnie Lazaro, Francis Grey, Gio Ramos, at Simon Ibarra. Ang newbie actress na si Lovely ay under ng Dragon Management …

    Read More »
  • 1 August

    Sean de Guzman, nakaranas ng kakaibang sexperience sa The Influencer

    Sean de Guzman The Influencer

    ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KAABANG-ABANG ang pelikulang The Influencer na tinatampukan nina Sean de Guzman at Cloe Barreto. Mula sa pamamahala ng batikang director na si Louie Ignacio, ang pelikula ay mapapanood na sa Vivamax simula sa August 12. Dito’y nakaranas ng kakaibang sexperience si Sean bilang isang kilalang social media influencer. Kuwento ng guwapitong actor, “Ang movie po na …

    Read More »
  • 1 August

    Katips R-16 ng MTRCB

    Katips R-16 MTRCB

    HARD TALKni Pilar Mateo R-16 ang iginawad na rating ng MTRCB sa ipalalabas at tatapat na pelikula  sa Maid in Malacañang na Katips na idinirehe at ginampanan ng theater actor na si Atty. Vince Tañada. Kaya nga nagdesisyon si Vince na ipalabas na ito ngayon eh dahil sa layunin pa rin ng pelikulang ibahagi ang naging karanasan ng mga gaya niya sa panahon at ilalim ng Martial Law. …

    Read More »
  • 1 August

    Chair Lala tututukan mga palabas sa Amazon Prime, Netflix, Vivamax

    Lala Sotto MTRCB

    HARD TALKni Pilar Mateo TINAMAAN din pala ng Covid ang anak nina  Senator Tito Sotto at Helen Gamboa, na si Diorella o mas kilala bilang Lala sa pamilya. Pamilyar na ang ngalan ni Lala dahil 18 taon na itong nagsilbi sa mundo ng politika. Kahit na lumabas na ito sa mabibilang lang naman sa daliring mga pelikula ng ama at ng TVJ noong kabataan niya, hindi naman pinangarap ni Lala …

    Read More »
  • 1 August

    Marco Gumabao rumampa sa GMA Thanksgiving Gala

    Marco Gumabao GMA Gala

    COOL JOE!ni Joe Barrameda NAGING matagumpay ang GMA Thanksgiving Gala noong Sabado ng gabi na idinaos sa Shangrila The Fort. Hindi inalintana ng GMA artis ang malakas na buhos ng ulan sa buong maghapon ng Sabado habang naghahanda sa napakahalagang okasyon na iyon. Sa tagal ng panahon ay ngayon lang sila magkakasama na marami ay baguhan.  Pinagmasdan namin ang pagrampa nila sa …

    Read More »
  • 1 August

    Made in Malacanang hinihintay ng mga OFW

    Made In Malacanang

    COOL JOE!ni Joe Barrameda GAYA ng Gala Night ng GMA ay maayos ding nairaos ang premiere night ng Made In Malacanang na sa The Block ng SM North ginanap noong Biyernes ng gabi. Kompleto ang buong cast sa pamumuno nina Cesar Montano at Ruffa Gutierrez.  Isang malaking karangalan sa mga artistang kasama sa cast ang mapabilang sa mga artista ng Made In Malacanang. Hindi nila inalintana ang ma-bash …

    Read More »
  • 1 August

    Mga dating Kapamilya stars dumalo sa GMA Thanksgiving Gala

    Xian Lim Richard Yap Beauty Gonzales Bea Alonzo Dominic Roque Maja Salvador John Lloyd Cruz Miles Ocampo

    I-FLEXni Jun Nardo DUMALO rin ang dating Kapamilya stars sa GMA Thanksgiving Gala. Sabay-sabay rumampa sa red carpet sina Maja Salvador, John Lloyd Cruz, at Miles Ocampo na under Crown Management ng una at fiancé na si Rambo Nunez. Dumating din si Bea Alonzo kasama ang boyfriend na si Dominic Roque, gayundin sina Richard Yap, Beauty Gonzales, Billy Crawford, at Coleen Garcia, Xian Lim, Marco Gumabao, Myrtle Sarrosa, Thou Reyes, Cristine Reyes, Rayver Cruz at iba pa. …

    Read More »
  • 1 August

     Billy Crawford mapapanood na sa GMA

    Billy Crawford GMA Coleen Garcia

    I-FLEXni Jun Nardo KOMPIRMADONG mapapanood muli si Billy Crawford sa GMA Network nang bumisita siya sa office ng GMA executive na si Joey Abacan. Isang picture niya na nasa harapan ng Kapuso building ng network compound at pagdalo sa GMA Thanksgiving Gala Night last Saturday ang ibinandera. Ayon sa reports, possible raw mapanood ang show niyang The Wall sa GMA. Pero wala pang kompirmasyon ito. Lumaki sa show ni dating Master Showman na …

    Read More »
  • 1 August

    Tumanda at napabayaan ang sarili
    RICH GAY TURN OFF KAY DATING SIKAT NA MATINEE IDOL 

    Blind Item, Mystery Man in Bed

    ni Ed de Leon ANG kuwento ng isang rich gay, naka-date raw niya ang isang dating sikat na matinee idol, pero disappointed siya, dahil noong maka-date niya iyon, hindi na ganoon ka-pogi dahil siyempre tumanda na rin at napabayaan na siguro ang sarili dahil laos na. Tapos naawa raw siya, dahil nakita niyang nakapikit iyon. Ibig sabihin, ayaw na niyang makita ang …

    Read More »
  • 1 August

    Mga madre ‘minasama’ sa isang dapat ay historical movie

    Mahjong

    HATAWANni Ed de Leon ANG lakas nang tawa namin nang marinig ang kuwentong ang isang “supposedly ay historial movie,” nag-ending na may character na naglalaro ng mahjong na ang kalaban ay mga madre. “Cinematic license” iyan eh. Hindi totoo pero gusto nilang magpatawa. Ang hindi lang namin gusto binigyan ng isang masamang imahe ang mga madre na naglalaro lang ng …

    Read More »