Friday , March 24 2023
Bongbong Marcos Liza Araneta ASEAN-EU summit

Trade, economy, climate action agenda ni FM Jr., sa ASEAN-EU Summit

PANGUNAHING agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na isulong ang mga prayoridad ng Filipinas partikular ang kalakalan, maritime cooperation at climate action sa kanyang pagpunta sa Brussels, Belgium para dumalo sa Association of Southeast Asian Nations-European Union (ASEAN-EU) Summit.

Sa kanyang departure statement  sa Villamor Airbase, sinabi ni FM Jr., ito ang kauna-unahang pagpupulong sa pagitan ng mga pinuno ng ASEAN at EU member states sa EU headquarters.

“I am pleased to highlight the Philippines’ role as country coordinator for ASEAN in its dialogue relations with the EU,” ayon sa Pangulo.

“And after the successful series of Summits hosted by ASEAN Chair Cambodia last month, I look forward to  a productive and meaningful Summit that recognizes ASEAN and the EU’s four-and-a-half decades of long-standing relations,” giit niya.

Ipinagdiriwang aniya sa summit ang 45-taon relasyon ng ASEAN-EU na may malalim na mga talakayan sa mga pinakanapapanahong ugnayan sa mga organisasyong pangrehiyon, tulad ng pandaigdigan at rehiyonal na mga hamon sa seguridad, sustainable development at economic cooperation, at iba pa.

Magtatalumpati ang Pangulo sa C-Suite Luncheon at sa ASEAN-EU business summit, isang kaganapan na magsisilbing oportunidad upang muling mabuo ang mga interes sa ekonomiya, at pakikipag-ugnayan para sa Filipinas dahil sa presensya ng mga pangunahing lider ng negosyo sa Europa.

Makakaharap niya sa isang pulong si King Philippe ng Belgium, gayondin ang mga bilateral na pagpupulong kasama ang ilan sa kanyang mga counterpart sa Europa.

Sa briefing noong Biyernes, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Daniel Espiritu na inaasahang magdaraos si FM Jr., ng sampung bilateral meeting sa sideline ng ASEAN-EU summit.

Inaasahang makikipagpulong ang Pangulo sa mga pinuno ng Belgium, Estonia, Czech Republic, Spain, Denmark, Germany, Poland, Finland, Netherlands, at European Union.

Makikipagpulong din si Marcos sa business community at magkakaroon ng one-on-one meeting sa mga korporasyong magpapalawak ng kanilang presensiya sa Filipinas.

Inaasahang makikipagpulong si Pangulong Marcos sa Filipino community sa Belgium. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …