Thursday , June 4 2026
Sarah Geronimo

Sarah wish na makasama ang pamilya sa Pasko

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAY kirot bagamat nakangiti para sa amin ang tinuran ni Sarah Geronimo nang hingan ng Christmas wish nang magbalik-ASAP Natin ‘To kahapon para sa kanyang single na Dati-Dati.

Balik-ASAP Natin ‘To si Sarah kahapon at muli niyang nakasama ang mga kapamilya sa Sunday noontime show after two years. Inawit ng singr/aktres ang kanyang bagong single na Dati-Dati, isang awitin ukol sa kanyang nakaraan na umaasang muling mangyayari sa kasalukuyan.

Hindi lamang sa pagkanta nagpakitang gilas si Sarah, ipinakita rin ito ang talent sa pagsasayaw. 

Hiningan ng Christmas wish si Sarah at sinabi nitong, “Alam na ni Lord ‘yun. ‘Yung makasama ko ‘yung mga mahal ko sa buhay, habang ako’y nabubuhay.” Na for sure ang tinutukoy ng aktres ay ang kanyang mga magulang at mga kapatid na alam naman nating nawalay sa kanya simula nang magpakasal sila ni Matteo Guidicelli.

Samantala, masayang-masaya si Sarah sa kanyang pagbabalik-ASAP at kitang-kita rito ang pagkasabik sa mga kasama sa Sundaw show.

Ibang klaseng experience talaga. Iba po talaga rito sa ‘ASAP’ stage. Iba talaga, walang halong echos. Masarap talaga (mag-perform),”  sabi ni Sarah pagkatapos ng kanyang number.

Ukol naman sa kanyang kantang Dati-Dati, ani Sarah  “Marami kasi in the past na nami-miss po natin, the simplicity of life, simple joys ng buhay na parang nawawala minsan dahil sa ingay ng social media at ng technology. Of course, sabi ko, gusto ko itago ‘yung pagkalungkot ko sa pagka-upbeat niyong kanta. So siyempre gusto ko pa rin sumayaw kahit na malungkot ako. So roon po nabuo ‘yung ‘Dati-Dati.’”

Pinasalamantan din ni Sarah ang kanyang mga kapamilya sa ABS-CBN dahil hanggang ngayon ay nariyan pa rin ang suporta sa kanya. 

“Maraming, maraming salamat po sa aking ‘ASAP’ family for allowing me to promote my new original songs. Medyo natagalan po pero nandito naman po ako. Maraming, maraming salamat po sa muling pagtanggap. At sa mga Popster na patuloy pa ring sumusuporta, maraming, maraming salamat po. Merry Christmas po sa atin lahat,” sambit pa ni Sarah.   

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …