Friday , March 24 2023
ASEAN-EU summit

EU Parliament kay FM Jr:
HUMAN RIGHTS DEFENDERS PROTEKTAHAN

INAASAHANG tatalakayin ng mga lider ng European Union ang sitwasyon ng karapatang pantao sa Filipinas na ilang beses naging tampok na usapin laban sa administrasyong Duterte sa pagpunta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., sa Brussels, Belgium upang dumalo sa ASEAN-EU summit.

Ilang araw bago tumulak patungong Brussels si Marcos, Jr., kagabi ay nagpadala ng liham ang mga miyembro ng European Parliament sa kanya na nagpahayag ng pagkabahala sa magiging hatol ng hukuman sa Filipinas sa kasong perjury na isinampa laban sa sampung human rights defenders at mga miyembro ng mga prominenteng human rights organization.

Napag-alaman ng mga mambabatas na sa Enero 2023 ay maglalabas ng desisyon ang hukuman sa kasong perjury na isinampa laban sa sampung HR defenders at miyembro ng Karapatan, Gabriela, at Rural Missionaries of the Philippines, na posibleng pagkabilanggo ng mahigit dalawang taon.

“We understand this case originated in 2019 following a joint petition submitted by the three above-mentioned organizations before the Supreme Court of the Philippines seeking protection against threats, attacks, and harassment amidst an increase of violence against human rights defenders in the country,” anang mga mambabatas.

Nabatid, ang petisyon ay naunang ibinasura ng Court of Appeals noong Hunyo 2019 at noong Hulyo 2019, isang reklamong perjury ang isinampa laban sa sampung human rights defenders na nagsasabing may naging pagkakasala ang RMP bilang isang registered non-governmental organization sa Securities and Exchange Commission (SEC) sa petisyong inihain sa Korte Suprema.

Muling iginiit ang panawagan ng European Parliament sa gobyerno ng Filipinas na nakasaad sa resolusyong inaprobahan noong 17 Pebrero 2022 na wakasan ang pandarahas sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao sa bansa, pati ang red-tagging, at ibasura ang lahat ng mga kasong politically motivated na isinampa laban sa kanila.

Kasabay ng paggalang sa “division of powers and therefore the sovereignty of justice” ay kagyat na hinihiling ng mga mambabatas sa mga awtoridad sa Filipinas na tiyakin na ang mga pamantayang nakasaad sa konstitusyon at pandaigdigan tungkol sa angkop na proseso at patas na paglilitis ay dapat ipagkaloob sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao at mga miyembro ng Karapatan, Gabriela at ng Rural Missionaries of the Philippines.

Nangangailangan anila ito ng pagwawakas sa kriminalisyon o pagturing bilang krimen sa mga mapayapa at lehitimong nagtatanggol sa mga karapatang pantao sa bansa, alinsunod sa Deklarasyon ng United Nations Declaration on Human Rights Defenders. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …