I-FLEX
ni Jun Nardo
SABAY na naging guests sina Marian Rivera at Maja Salvador sa grand finals ng Sayaw Barangay 2022 ng Eat Bulaga.
Eh nakantiyawan sina Marian at Maja ng ED Dabarkads na magpakita ng husay sa pagsasayaw na markado rin sa publiko.
Sabog sa sigawan at palakpakan ang live studio audience sa pasampol nina Yan at Maja. Sinabayan pa sila ng isa ring judge na si Teacher Georcelle Dapat Sy ng G-Force kaya agad naghilingan sa social media na magsama sa isang production number sina Marian at Maja.
Tweet naman ni Maja, “aaaaayyyyieeeee kayu nemen. kailan po yan? Hahahaha!”
Bago sila magsayaw, nag-tweet si Maja sa pagsasama nila ni Marian, “tipid ngiti lang para di halatang super fan but deep inside kilig si maja ghorl!!”
Ngayon lang lumabas muli sa Eat Bulaga si Marian na naging bahagi rin ng noontime show bago naging GMA Primetime Queen.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com