Friday , December 19 2025

Blog Layout

‘President Roxas’ joke lang — Palasyo

JOKE lang at hindi pamumulitika ang pagtawag na “President Roxas” kay Interior Secretary Mar Roxas sa pagtitipon na namahagi ang kalihim ng halagang P2-B proyekto sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda. Depensa ito ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa mga bumatikos sa tila maagang pamumulitika ng Liberal Party nang tawagin na “President Roxas” ang DILG secretary ni …

Read More »

125 preso nag-hunger strike sa CDO

CAGAYAN DE ORO CITY – Mas lalo pang hinigpitan ngayon ang ipinatutupad na seguridad sa Cagayan de Oro-Lumbia City Jail sa lungsod ng Cagayan de Oro. Ito’y bunsod ng isinasagawang hunger strike ng 125 inmates na mga miyembro ng grupong tinaguriang “Batang Mindanao” (BM-29) sa nasabing kulungan. Inihayag ni City Jail Warden Supt. Erwin Kenny Ronquillo, totoong hindi tinanggap ng …

Read More »

P50 pusta ‘di binayaran padyak boy tinarakan

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng 32-anyos  pedicab driver makaraang pagsasaksakin ng kanyang nakapustahan sa labanang Pacquiao- Bradley kamakalawa ng hapon,  sa Navotas City. Inoobserbahan sa Tondo General Hospital (TGH) ang biktimang kinilalang si Jonathan Parcia, 32,  residente  ng Phase 1-B, North Bay Boulevard South (NBBS) ng nasabing  lungsod, sanhi ng mga saksak sa iba’tibang bahagi ng katawan. Agad naaresto …

Read More »

Pulis sugatan sa amok

SUGATAN ang pulis Quezon City makaraang saksakin ng nirespondehan niyang amok, kamakalawa ng gabi sa Quezon City. Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), sugatan si PO3 Norberto Mamac, 51,  nakatalaga sa QCPD Kamuning Police Station  10, at naaresto agad ang suspek na si Moises Redoble, 32, residente ng Sierra Monte Mansion Road,  Filinvest, Cainta, Rizal. Sa imbestigasyon, dakong …

Read More »

2 senglot todas sa duelo

RIZAL – Kapwa patay ang dalawang lasing na lalaki makaraan mag-duelo sa patalim nang magkapikonan dahil sa masamang tingin kamakalawa ng gabi sa Antipolo City. Kinilala ni Antipolo City Police chief, Supt. Arthur Masungsong ang dalawa na sina Aian Camince, 26, security guard, at Joebert Valenzona, 29, kapwa residente ng Sitio Kamias 2, Brgy. Mambugan, Ayon sa pulisya, naganap ang …

Read More »

Marantan, 12 pulis sinibak sa Atimonan case

SINIBAK na sa serbisyo ang 13 pulis, kabilang ang sugatan na si mission commander Hansel Marantan, kaugnay sa naganap na Atimonan  rubout nitong Enero, 2013. Ang 13 ay napatuna-yang guilty sa “serious irregularity in the performance of duty,” ayon sa March 5 decision na nilagdaan ni Philippine National Police chief, Director General Alan Purisima. Magugunitang 12 ka-tao, kabilang ang environmentalist …

Read More »

‘Suicide’ ng misis ni Ted Failon hiniling busisiin (Sa ngalan ng katarungan)

KINONDENA ng Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) ang kaagad pagsasara ng kaso kaugnay ng sinasabing suicide ng asawa ng broadcaster na si Ted Failon na si Trinidad Etong na namatay noong Abril 16, 2009. Sa pahayag ng 4K, limang taon na ang nakararaan pero marami pa rin dapat sagutin si Failon lalo ang pagpapalinis niya sa lugar ng suicide …

Read More »

Kasalang Isabel Oli at John Prats, proposal at date na lang ang kulang

ni  Roldan Castro PANGALAWANG taon na ang pagsasama nina Isabel Oli at ng actor ng Banana Split na si John Prats ngayong Holy Week. Gaya last year, sa Batangas daw sila pumunta. Mauuwi na ba sa kasalan ngayong taon ang pag-iibigan nila? Hindi ba sila napi-pressure na ilang beses nang napabalita na nag-propose si John? “Ay hindi. Actually, sumi-segue  kami …

Read More »

Benjamin Alves, masugid na manliligaw ni Jen

ni  Roldan Castro PINAG-UUSAPAN ngayon ang pagdalaw ni Benjamin Alves kay Jennylyn Mercado sa hospital. Although, nakalabas na ang aktres sa  St. Lukes Medical City  noong Sabado. Hindi nakakapag-taping ng ilang araw ang serye ni Jen sa GMA 7 dahil sa virus na pumasok sa katawan niya. Nakuha ni Jen ang viral niya sa isang endorsement event. Sobrang sangsang at …

Read More »

Ama ng kalokalike ni Vhong, 53 ang asawa

ni  Roldan Castro NAGULAT kami sa kuwento ng kalokalike ni Vhong Navarro na si Mark Tyler Dela Cruz na Lenten presentation ng It’s Showtime sa Miyerkoles. Gagampanan mismo ni Vhong ang kanyang ka-lookalike. Ayon sa kanyang manager na si Throy Catan, 53 umano ang asawa ng ama ni Mark. Pang-49 daw silang pamilya. Nagulat kami at nagtanong kung totoo ba …

Read More »