Sunday , July 14 2024

Tanda, sexy, pogi et al swak na sa Plunder (Mosyon ibinasura ng Ombudsman)

060614_FRONT

TULUYAN nang ibinasura ng Office of the Ombudsman ang lahat ng mosyon ng mga pangunahing sangkot sa pork barrel fund scam.

Ayon sa resolusyon ng Ombudsman, nabigo ang mga respondent sa kasong plunder na sina Sens. Juan Ponce Enrile, Ramon “Bong” Revilla Jr. at Jinggoy Estrada na kombinsihin ang tanod bayan na isantabi ang mga kaso laban sa kanila.

Wala rin naipakitang bagong argumento ang panig ng mga akusado para ibasura ang naunang rekomendasyon na paghahain ng kaso sa Sandiganbayan.

Bukod sa mga senador, ibinasura rin ang motion for reconsideration ng kampo ni Janet Lim-Napoles.

Kasabay nito, binigyan ng extended immunity ang mga testigong sina Benhur Luy, Merlina Sunas, Arlene Baltazar, Marina Sula at Simonette Briones.

HATAW News Team

Kaya laban bawi si Napoles
P2-B ‘KICKBACK RETURN’ OFFER ‘DI KINAGAT NI PNOY

HINDI kinagat ni Pangulong Benigno Aquino III ang pahiwatig ng kampo ni Janet Lim-Napoles na magsauli ng P2 billion kickback sa pork barrel scam para mabigyan ng immunity.

Sinabi ni Pangulong Aquino, sa kanyang huling narinig sa balita, nagkokontrahan ang dalawang abogado ni Napoles sa kickback return offer. Ayon kay Pangulong Aquino, nagtataka rin siya sa alok ni Napoles gayong kamakailan ay sinabing walang pambayad ng hospital bills. Hayaan na lamang aniya sa Department of Justice (DoJ) ang isyu at timbangin ang sinasabi ni Napoles.

“Number one, pagkaintindi nasa news kagabi raw yata ‘yan. Number two, dalawang abogado na supposedly nagre-represent sa kanya ang nagkokontrahan kung ano talaga ang alok. Number three, ‘yung last na sinabi sa akin sa finances – o narinig ko – sa finances ni Mrs. Napoles, noong nasa Ospital ng Makati siya, inaangkin niya na wala siyang pondo pambayad doon sa ospital. Pero ngayon meron siyang ibibigay sa gobyerno?” ani Pangulong Aquino.

Bago ito, lumutang ang pahayag ni Atty. Stephen David, isa sa mga abogado ni Napoles, tiningnan nila ang listahan ni Napoles at natuklasang P200 million hanggang P300 million lamang ang maisasauli ng kanyang kliyente.

Sabi ni PNoy
P38-M EXTORT TRY KAY NAPOLES ALAM NI JINGGOY

IBINULGAR ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon na maaaring may nalalaman si Sen. Jinggoy Estrada sa tangkang pangingikil ng P38-M kay pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles noong nakalipas na taon.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag isang araw matapos usisain ni Estrada si Justice Secretary Leila de Lima sa confirmation hearing sa Senado hinggil sa liham na natanggap ng Punong Ehekutibo mula kay Napoles ilang buwan bago pumutok ang pork barrel scam.

Inamin ni Pangulong Aquino sa panayam sa media sa Diamond Hotel na may natanggap siyang liham mula kay Napoles na may petsang Abril 17, 2013 na nanghihingi ng tulong dahil magkasama ang abogado ni Benhur Luy na si Atty. Levi Baligod at ret. Gen. Rodolfo Diaz na nanghihingi sa kanya sa pamamagitan ng abogado niyang si Atty. Freddie Villamor ng P38-M kapalit nang pag-atras ng illegal detention case at masamang publisidad laban sa kanya.

“Yung sa fourth paragraph, baka dapat tanungin natin si Senator Jinggoy, ano. Kasi ang nakalagay dito ‘yung fourth paragraph and I’ll just quote from the letter: “Thereafter, Atty. Levito Baligod, lawyer of the Luy family, together with the retired General Rodolfo Diaz demanded the amount of 38-million pesos from through our lawyer, Atty. Freddie Villamor, in exchange for the dropping of said false charges and bad media publicity,” anang Pangulo.

Ipinahiwatig ng Pangulo na kung si Diaz ang dating hepe ng Presidential Security Group (PSG) noong administrasyong Estrada, posibleng mas may nalalaman si Jinggoy sa tangkang pangingikil kay Napoles.

“Si—ewan ko lang kung ito ‘yung General Diaz na dating namumuno ng PSG noong panahon ni President Erap. So baka mas may alam sa atin si Senator Jinggoy,” giit ng Pangulo.

(ROSE NOVENARIO)

PNOY NO PDAF NO NAPOLES

HINDI naging ‘close’ sina Pangulong Benigno Aquino III at pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles at walang mapapala sa kanya ang ginang dahil wala siyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) noong siya’y senador pa lamang.

”Syempre ang interes n’ya, allegedly, ‘yung pagse-secure ng PDAF. Nu’ng oposisyon ako, wala akong PDAF. So wala siyang interes na maging close sa akin dahil wala siyang mapapala sa akin,”  pahayag ni Pangulong Aquino sa panayam sa Diamond Hotel kahapon.

Kabilang si Aquino sa ilang mambabatas na hindi nakatanggap ng PDAF noong administrasyong Arroyo dahil sila’y mga kritiko ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Marcoleta Miru

Miru Systems’ 18 Billion Peso Contract for Philippine Elections Sparks Major Concerns

Manila, Philippines — On July 9, 2024, Hon. Rodante D. Marcoleta, Party List – SAGIP, …

knife saksak

 ‘Iska’ hinoldap, sinaksak sa UP Diliman

SUGATAN ang isang iskolar ng bayan (ISKA) nang pagsasaksakin ng isa sa tatlong holdaper nang …

071024 Hataw Frontpage

Walang kooperasyon
DPWH SINISI NI CHIZ SA ISYU NG NEW SENATE BUILDING

ni Niño Aclan TAHASANG sinabini Senate President Francis Jospeh “Chiz” Escudero na ang kawalan ng …

Modern Beetle Car Boys Dead

Mag-utol na totoy natagpuang patay sa moderno ngunit abandonadong beetle

PATAY nang matagpuan sa loob ng abandonadong beetle ang magkapatid na batang lalaki na huling …

shabu drug arrest

P.27-M halaga ng shabu kompiskado, most wanted, manunugal, arestado

NAGSAGAWA ng serye ng pinaigting na operasyon ang pulisya sa Bulacan na nagresulta sa pagkakakompiska …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *