Sunday , May 12 2024

Blog List Layout

Death toll sa leptos, 11 na (Kontrolado na — DoH)

TINIYAK ng Department of Health (DoH) na kontrolado na ang mga kaso ng leptospirosis sa Olongapo, ilang araw matapos na tumama ang matinding baha. Iniulat ni DoH Sec. Enrique Ona, umabot na sa “peak” ang bilang ng mga nabiktima kaya kamakalawa ay tatlo na lamang ang bagong na-admit sa ospital, habang isa naman kahapon. Batay sa impormasyong nakalap ng DoH, …

Read More »

US Ambassador Thomas nagpaalam kay PNoy

PORMAL nang nagpaalam si US Ambassador to the Philippines Harry Thomas kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Ginawaran ng Pangulong Aquino si Thomas ng Order of Sikatuna matapos ang isinagawang farewell ceremony sa Malacañang. Si Ambassador Thomas ay papalitan ni US Ambassador-designate to Manila Philip Goldberg. Opisyal nang natapos ang tour of duty ni Thomas sa Filipinas matapos hindi palawigin …

Read More »

Pasig SOG member sugatan sa kariton boy

Sugatan ang miyembro ng Special Operations Group (SOG) ng Pasig City matapos saksakin ng isang vendor habang nagsasagawa ng clearing operation sa Mega Market, Pasig City kahapon ng umaga. Kinilala ni Pasig City chief of police Sr/Supt. Ma-rio Rariza ang biktima na si Robert Martinez, 41, may asawa at residente ng Ka-pitan Ato St., Brgy. Sta Cruz sa nasabing lungsod. …

Read More »

Ex-kap utas, ABC prexy grabe sa ambush

PATAY ang isang 52-anyos negosyanteng dating punong barangay sa Malasiqui, Pangasinan matapos tambangan sa nasabing bayan habang kritikal naman ang kalagayan ng ABC president ng Sorsogon makaraang pagbabarilin kahapon. Kinilala ni Supt. Benjamin Ocomen, hepe ng Malasiqui Police, ang biktimang si Arnulfo Macaranas, alyas Samboy, da-ting kapitan ng Brgy. Lareg-La-reg sa bayang ito. Ayon kay Ocomen, patay na si Macaranas …

Read More »

Probe vs ‘Ma’am Arlene’ isinulong (DoJ tutulong sa SC)

INIHAYAG ni Justice Secretary Leila de Lima na makikipag-coordinate siya sa isinasagawang imbestigasyon ng Supreme Court sa isang ‘Ma’am Arlene,’ ang tinaguriang Janet Lim Napoles ng hudikatura. “In principle, I would go for and support any such probe. And if (the Department of Justice/National Bureau of Investigation) is asked by SC, particularly the (Chief Justice), to be involved in such …

Read More »

1.6-M INC members dadagsa sa ‘Lingap’ (Trapiko tiyak apektado)

TINATAYANG may 1.6 milyong miyembro ng maimpluwensyang Iglesia ni Cristo (INC) ang inaasahang dadagsa sa gaganaping malawakang medical and dental missions na pangungunahan ng FYM (Felix Y. Manalo) Foundation ngayong araw sa lungsod ng Maynila. Sa kabila ng ginawang kautusan ni Mayor Joseph “Erap” Estrada sa mga concerned local authorities partikular na ang Manila Police District upang mapanatili ang kaayusan …

Read More »

‘Alternatibong merkado’ solusyon sa OFWs ban sa Hong Kong

MAY nakahanda nang alternative  markets  ang gobyerno para sa overseas Filipino workers (OFWs) na posibleng maapektohan sa isinusulong na ban sa Hong Kong. Tiniyak ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz, hindi pababayaan ng gobyerno ang mga kababayan sakaling maaprubahan ang kontrobersyal na panukala ng isang political party sa nasabing bansa. Una na rin umalma ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa …

Read More »

Chinese dinukot sa China town?

NAGPASAKLOLO sa mga kagawad ng pulisya kahapon ang mag-asawang Chinese, pawang negosyante  upang mahanap ang nawawala nilang anak na umalis sa kanilang tinutuluyang bahay sa Ermita, Maynila nitong Oktubre 8 (2013). Sa salaysay kay SPO2 John V. Cayetano ng MPD General Assignment Section kahapon, tinukoy ng mag-asawang sina Zu Liming (ina) at Shuizheng Wu (ama), 51, Chinese nationals, naninirahan sa …

Read More »

Palasyo tahimik sa ipinasosoling P1-M bonuses ng SSS officials

DUMISTANSYA ang Malacañang sa panawagan ng ilang sektor sa mga opisyal ng Social Security System (SSS) na isoli ang natanggap na P1-million performance bonus. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, bagama’t aprubado na ang nasabing incentives, maaari rin aniyang hindi pa naibibigay ang mga ito. Sinabi ng opisyal, nasa personal na desisyon na rin ng SSS officials kung tatalima …

Read More »

Negosyante itinumba sa agahan

NAKAYUKYOK sa inorder na almusal ang 43-anyos negosyante matapos pagbabarilin ng riding in tandem kahapon ng madaling araw sa isang food chain sa Marikina City. Kinilala ni Sr/Supt. Reynaldo Jagmis, hepe ng Marikina Police, ang biktimang si Rommel Palomares, nakatira sa #16 Aberdeen St., Brgy. Bahay Toro, Quezon City. Mabilis na tumakas ang dalawang salarin sakay ng motorsiklong walang plaka …

Read More »

Baha, landslide alert nakataas pa sa Luzon

BAGAMA’T nasa labas na ng Philippine area of responsibility ang bag-yong Santi, nakataas pa rin ang flashflood at landslide alert ng Pagasa sa ilang lugar sa northern at southern Luzon. Ayon sa weather bureau, inaasahang magdudulot pa rin ng mga pag-ulan at thunderstorms ang “outer rainbands” ng bagyo, partikular sa Ilocos Region, Mimaropa at mga lalawigan ng Cagayan at Aurora. …

Read More »

13 aftershocks naitala sa Marinduque—Phivolcs

UMABOT sa 13 aftershocks ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa loob lamang ng 10 oras matapos ang napaulat na paggalaw ng isang active local fault line sa bahagi ng Boac, Marinduque. Ayon kay Julius Galdiano ng Phivolcs, batay sa kanilang monitoring, ang pinakamalakas na aftershock na naitala ay ang magnitude 4.2 dakong 2:46 a.m. kahapon …

Read More »

Leptos cases sa Gapo tumaas pa

PINAIGTING pa ng Department of Health (DoH) ang kanilang monitoring matapos umakyat na sa 534 ang bilang ng naitatalang kaso ng leptospirosis sa Olongapo City. Sa naturang tala ay nasa 10 ang namatay, ilang araw lamang matapos silang magpositibo sa naturang karamdaman. Ayon sa record ng Olongapo City local health office, ito na ang pinakamataas na bilang ng leptospirosis cases …

Read More »

Kazakh national nalunod, Chinese nasagip sa Boracay

KALIBO, Aklan – Nauwi sa trahedya ang pagbabakasyon ng isang Kazakh national kasama ang kanyang kasintahan matapos malunod sa Brgy. Manoc-Manoc sa isla ng Boracay. Idineklarang dead on arrival sa Metropolitan Doctor’s Clinic sa isla sanhi ng pagkalunod ang biktimang si Valeriy Lotts, 40, taga-Kazakhstan. Bago ang insidente, nagpaalam ang biktima sa kanyang girlfriend na kinilala lamang sa pangalang Yekatiriva, …

Read More »

Progreso sa peace deal ipinagmalaki ng MILF, PH

KAPWA ipinagmalaki ng Philippine government at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang anila’y “substantial progress” sa isinusulong na negosasyon para sa pagbuo ng peace agreement sa Mindanao. Kahapon, tinapos na ng dalawang panig ang 41st round ng negosasyon sa Kuala Lumpur, Malaysia bilang paghahanda sa Muslim holiday na Eid’Ul’Adha. Sinabi ni government peace panel chair Miriam Coronel-Ferrer, target nilang mabuo …

Read More »

292 katao tiklo sa gun ban

UMAKYAT na sa 292 ang bilang ng mga nadakip dahil sa paglabag sa umiiral na election gun ban para sa nalalapit na barangay elections sa Oktubre 28, 2013. Ang mga naaresto ay 275 sibilyan, 10 security guards, apat na pulis; dalawang government employees at isang sundalo. Nasa 230 naman ang nakompiskang baril na ngayon ay nasa pangangalaga na ng Comelec …

Read More »

Bagyo vs bigas paghandaan

BINALAAN ngayon ni Senador Loren Legarda ang pamahalaan na magsagawa na ng hakbang upang paghandaan ang isang “worst case scenario” sa suplay ng bigas sa bansa dahil “ang pagtama ng iisang bagyo mula ngayon ay magdadala ng malaking kaibahan mula sa katatagan papunta sa krisis gaya noong 1995.” Ang tinutukoy ni Legarda ay ang krisis sa bigas noong taon 1995 …

Read More »

Kill plot vs Hahn buking (Sigalot sa Makati condo mas lumalim)

TALIWAS sa report na tapos na ang awayan sa kung sino ang nagmamay-ari ng Infinity Tower sa Makati, lalong lumalim ang gulo sa naturang condominium matapos ibulgar ng apat na sekyu ang maitim na plano para iligpit si Korean national Sheokwhan. Plano umanong isako si Hahn upang hindi na makapaghabol sa buong pag-aari ng sikat na Makati City condominium building. …

Read More »

Miss World Megan Young ipaparada ngayon

Dumating  kahapon, Huwebes ng hapon ang kauna-unahang Pinay na nakasungkit ng korona bilang Miss World 2013, Megan Young, na agad bumiyahe sa London matapos koronahan sa Bali, Indonesia nitong Setyembre 28. Pasado alas-4:00 kahapon nang dumating si Young lulan ng Cathay Pacific CX 919 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1. Sinalubong si Young ng mga kawani ng media, …

Read More »

Palasyo manhid sa pag-alma ng SSS members

MANHID ang Palasyo sa pag-alma ng mga kasapi ng Social Security System (SSS) kaugnay sa pagtanggap ng milyon-milyong pisong bonus ng matataas na opisyal nito dahil sa paniniwalang nagmula ito sa kinita ng mga pinasok na negosyo at hindi sa kontribusyon  ng mga miyembro ng state-run trust fund. Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, iginagalang naman ng Malacañang ang nakatakdang …

Read More »

Leptos death toll sa Gapo umakyat sa 8

IDINEKLARA na ang leptospirosis outbreak sa Olongapo City bunsod ng pag-akyat sa walo ng naitalang namamatay habang halos 300 kaso na ang naitatala. Ayon sa ulat, 296 katao ang tinamaan ng leptospirosis, karamihan sa kanila ay naka-confine sa James Gordon Memorial Hospital. Napag-alamang ilang bahagi ng ospital ang ginawa nang ward upang may mapaglagyan ang dumaraming ng mga pasyente. Nabatid …

Read More »

Holdaper ari ipinasubo sa biktima (Walang nakuhang pera)

CEBU CITY – Patuloy na kinikilala at pinag-hahanap ng mga awtoridad ang isang holdaper na nagmolestiya sa 30-anyos babae na kanyang hinoldap sa Purok Red Rose, Brgy. Yati, Lilo-an Cebu. Ayon kay C/Insp. Jose Liddawa ng Lilo-an police station, ang biktimang hindi pinangalanan ay personal na dumulog sa kanilang tanggapan upang isumbong ang ginawa ng suspek sa kanya. Sinabi ng …

Read More »

18-anyos kasambahay inasunto ng among Chinese national (P.8-M natangay ng dugo-dugo gang?)

UMABOT sa mahigit P.8M halaga ng salapi at mga alahas ang nakulimbat ng isang katulong na nagpalusot pa para makaligtas sa isinampang kaso sa Maynila, kamakalawa. Kasong qualified theft ang isinampa laban sa suspek ng biktimang si Shi De Ming, 47, Chinese national, nakatira sa Room 701 no. 1230, Piedad St., Binondo matapos malimas ang higit sa P.8 milyong halaga …

Read More »

10 PCP commanders sa Maynila ipinasibak

Sampung commander ng Police Community Precinct ng Manila Police District ang ipinasibak sa pwesto ni Manila Mayor Joseph Estrada. Ito ang nakasaad sa memorandum order ni Estrada kay Police Chief Supt. Isagani Genabe, Jr., may petsang October 9, 2013, at inaatasan ang MPD director na ipatupad ang “one strike and no take policy” kaugnay sa mga naiuulat na illegal gambling …

Read More »

OFWs ban sa HK

BRUNEI DARUSSALAM – Tiniyak ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na hindi pababayaan ng gobyerno ang maaapektohang overseas Filipino workers (OFWs) sakaling maaprubahan ang panukala ng isang political party sa Hong Kong na i-ban ang mga Filipina domestic helper sa kanilang lugar. Sinabi ni Pangulong Aquino, wala silang magagawa kung ito ang desisyon ng Hong Kong government dahil teritoryo nila …

Read More »