Friday , May 3 2024

The Sixth Sense: Mga pagkaing dapat iwasan ‘pag may Cancer

00 sixth sense
MABUHAY po ang lahat naming tagasubaybay!

 Nais ko pong makatulong sa mga may sakit na kahit ano mang uri ng Cancer sa pamamagitan ng pag- iwas sa mga ilang pagkain na kadalasan ay hindi naipaliliwanag ng ibang doctor.

Karamihan po sa mga pasyente kong may Cancer ay walang alam o hindi pinagsasabihan ng kanilang mga doctor kung ano ang mga pagkain dapat iwasan.

Una po sa lahat, ang ASUKAL at lahat ng bagay na matatamis. Ang mga pagkaing matatamis ay acidic. Nagiging acidic po ang katawan ng tao pag madalas kumain nito. Iwasan po ang chocolates at mga de latang juice kahit na mga tsaa sa bote na punong-puno ng ASUKAL.

Ang Cancer cells po ay maligayang-maligayang at napakabilis dumami kapag acidic ang inyong katawan. Sila po ay buhay at dumadami. Habang dumadami sila ay dumadami rin ang dumi at ang sarili nilang dumi ay siya ring pagkain nila. Iwasan din po ang pagkain ng maraming tinapay at piniritong pagkain. Kahit po anong luto ay maaari, wag lang pinirito.. at higit sa lahat ay iwasan ang karneng baka at ano mang minicrowave na pagkain, ganoon din ang instant noodles. Mas madali pong tunawin ang baboy kaysa karne ng baka. Kailangan po ay makadumi araw-araw kaya nararapat na kumain ng maraming gulay.

Kung magagawa po ninyo ito ay babagal ang pagdami ng Cancer cells at mas madaling gamutin.

Karamihan po ng mga pasyente kong may Cancer ay stage 4 at ayaw na ng chemotherapy. Pag nag-chemo kasi, nakokompromiso ang immune system at lalong nanghihina ang tao.

Ang Chemo therapy po kasi ay isang lason na pumapatay sa Cancer cells at good cells. Nag-uunahan lang kung sino ang mamamatay… ‘yung Cancer cells or ‘yung taong may Cancer!  

Ganoon pa man..Hindi rin po masisisi ang western medicine dahil ito ang kanilang protocol. Ito ay ayon sa libro ng medisina. Hindi po matutuwa ang mga pharmaceuticals sa sasabihin kong ito…

Marami na rin po kaming natulungan at nailigtas dahil meron kaming ibang paraan upan magamot ang mga pasyente kong may Cancer. Naging alternative medicine doctor po ako, may mga naging classmates din akong nag-aral nito upang madagdagan ang kanilang kaalaman.

Tinatanggap po namin kahit inaayawan na ng mga hospitals. Kung may mga katanungan po kayo… maaaring mag-email sa eli-zabethof888.

Maaari rin po kayong tumawag sa clinic kung gusto ninyong magpatingin. Tel# 2633156 or 4311147.

Salamat po! Sana po ay makatulong ako kahit na paano!

God Bless you all,

Dr Elizabeth Oropesa Freeman

About Elizabeth Oropesa

Check Also

Puregold Flow G

Hop Icon ng ‘Pinas na si Flow G bahagi na ng Puregold!

HABANG naghahanda na ang mga bigating musikero sa Pilipinas na isuot ang berde at ginto—mga …

Krystall herbal oil Fur-baby Dog

Fur-baby hiyang din sa Krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Nailandia

Mga lolo at lola, nanay at tatay pinamper ng Nailandia

NAPAKA-BONGGA ng may-ari ng Nailandia Body Spa and Nail Salon na si Noreen Divina. Nag-birthday kasi siya kamakailan …

Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na …

Alfonso Brandy Alfie Alley FEAT

Alfonso Brandy’s Alfie Alley Year 2 Launch Concludes with Grand Success, Setting the Stage for Nationwide Expansion

LAST Friday night, Pop Up Katipunan was the scene of another milestone gathering as over …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *