Friday , January 28 2022

The Sixth Sense: Kahulugan ng Karma

00 sixth sense

Maligayang Bati pong muli sainyong lahat! Welcome to 2016! Sobra ko kayong na-miss kaya po naririto na naman ako para mag kwento at sumagot sa inyong mga katanungan.

Alam po ba ninyo ang ibig sabihin ng “Karma?” Madalas natin itong gamitin pag may taong gumagawa sa atin ng masama. Sinasabi nating: Makarma ka sana! Actually… khit po hindi natin ito sabhin, talagang maka-karma o magbabayad ang taong gumagawa ng masama. Ganoon din ang taong gumagawa ng kabutihan. Lahat po ng ating desisyon sa buhay ay may kinalaman sa ating kinabukasan at maaaring pati sa kinabukasan ng ating mga anak. Ang ating Panginoong Diyos ay napakabait. Kailanman ay hindi niya ninais na tayo ay maghirap at masaktan. Tayo lang naman po ang palaging pumapalpak! Binigyan po niya tayo ng karapatang mamili. The gift of free will ‘ika nga. Pag ang pinili natin ay mali, hindi maaaring hindi natin pagbayaran ang “consequences.” Pag tama ang ating pinili, magaan sa dibdib at hindi magulo o masalimoot ang pagdadaanan gaano man kahirap. Hindi lang po tao ang may karma. Ganoon din ang bawat bansa. Kung gaano na kasama ang nakararami, ganoon din ang nailuluklok na pinuno. WE ALWAYS GET WHAT WE DESERVE. Kaya po ngayong darating na election, ipagdasal natin ang ating bansang Pilipinas upang ang sumunod na uupo ay matulungan tayong maiahon sa kahirapan sa halip na tarantaduhin tayo at pagnakawan.

Ang clinic ko po ay tumutulong sa abot ng aming makakaya. Tuwing Biyernes po ay libre kaming tumatanggap ng mga totoong mahihirap na may sakit. Tumawag lamang po sa 431.11.47 or 263.35.16 para po makapagpalista at hingiin ang address. Sa QC po kami. Wala pong politician na tumutulong sa amin. Hindi rin po kami mayaman. Gusto lang pong makatulong kahit na paano. ‘Yun naman pong may mga katanungan ay maaaring mag-email sa amin… [email protected]

Sa mga bago kong tagasubaybay: Ako po ay isang Doktor. MD po. AM ( alternative Medicine) licensed acupuncturer (DOH). Cli-nical Hypnotherapist, Graduate po ako sa Va. Virginia USA. May “gift of sight” po ako. Ipinanganak na nakakakita ng lahat ng uri ng elementals, multo at iba pa. Natutulungan po pati ang mga isinumpa at may karmic debts na kailangan maputol. Nakikita ko rin po na kadalasan, ang mga sakit na hindi nakikita ng mga hospital kaya maraming western medicine doctors ang nagpapadala sa amin ng pasyenteng galing sa kanilang hospitals.

Maraming salamat po! God Bless us all!

 

Nagmamahal,
Dr. Elizabeth Oropesa

                                             

About Elizabeth Oropesa

Check Also

Krystall Herbal Oil

Lagnat, ubo, at sipon tatlong araw lang sa FGO Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po si …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

Insect bites at peklat ‘walang sinabi’sa Krystall Herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,             Ako po …

Loiegie Dano Tejada

CEO & president ng Ms L’s Beauty and Wellness artistahin

MATABILni John Fontanilla ARTISTAHIN ang CEO & President ng napakatagumpay na negosyo na Ms L’s Beauty …

Alma Concepcion Rhea Tan Beautederm

Alma Concepcion proud user, seller, at ambassador ng Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Alma Concepcion na proud siya sa mga produkto …

Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Ubo’t sipon ngayong taglamig, Omicron ba?

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong NITONG mga nakalipas na araw, sandamakmak ang nilalagnat, …

Leave a Reply