Friday , June 26 2026
Jayferson JJ Rivera Ahaja

Baguhang child star JJ Rivera Ahaja wish makatrabaho si Coco

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

HINDI nagbabago si Jayferson “JJ” Rivera Ahaja sa pagsasabing si Coco Martin ang paborito niya at gustong makatrabaho.

Kung ilang beses na naming nakakausap si JJ at sa tuwing naitatanong namin ang ukol sa idol o gusto niyang makatrabaho, walang kagatol-gatol niyang sinasabi ang pangalan ni Coco.

Wish namin na makatrabaho ng walong taong gulang na si JJ ang bida ng Sigabo na tiyak naming bagay sa mga seryeng ginagawa ng Hari ng Aksiyon.

Para kay JJ,  magaling na aktor si Coco. Ikinatwiran din ni bagets na madalas niyang paoorin ang aktor. Actually, hindi niya pinalalampas ang panonood dati ng FPJ: Ang Probinsyano at Ang Batang Quiapo.

Talented at bibo si JJ na hindi naman nakapagtataka dahil siya ang itinanghal na Grand Winner sa Little Mister Kids of the World 2026 sa katatapos na Kids of the World International pageant na ginanap sa Bali, Indonesia kamakailan. Dagdag pa na siya ang nakakuha ng award bilang Top Model at People’s Choice.

Pangarap ni JJ ang maging isang mahusay na aktor. At para mapaghandaan niya ito, ini-enrol siya ng kanyang mga magulang sa maraming workshop na eventually ay naging safe haven niya dahil iba ang sayang nakikita ng kanyang magulang kapag nasa workshop ito.

Kamakailan, napanood si JJ sa Tadhana sa GMA 7. Tatlong Sabado ng hapon napanood si JJ na una niyang nakasama sa unang episode, ang My Husband’s Wedding ay sina Glaiza de Castro, Juancho Trivino, at Vaness del Mora na idinirehe ni Adolf Alix.

Na-enjoy nang husto ni JJ ang pagganap na anak ni Glaiza. At kinagiliwan din siya ng mahusay na aktres. Likas kasi ang pagiging sweet ni JJ.

Bukod sa pag-arte, hilig din ni JJ ang pagkanta at pagsayaw. Paborito niya ang K-Pop group na Stray Kids. Kaya nang sumali siya sa kid’s pageantry, talagang humataw ito sa pagsayaw na kinagiliwan ng audience.

Sa pakikipag-usap namin kay JJ lumalabas pa rin ang pagiging bata nito. Nariyan ang paglalaro pa rin in between pero kapag naumpisahan ang pagsasalita, dire-diretso naman.

At pagkatapos ng tsikahan, nag-aya ito sa kanyang ina para bumili sila ng laruan. At take note, alam niya na kumikita na siya. Ang kahanga-hanga lang, Lego toys na lubos na kapaki-pakinabang sa tulad niyang bata. Aktibo kasi nitong sinusuportahan ang pag-unlad ng pagkabata sa pamamagitan ng pagpapahusay ng kasanayan sa motor, kamalayan sa spatial, at paglutas ng problema.

Sa kabilang banda, kitang-kita namin ang suporta ng mga magulang ni JJ na sina Mr Lans Ahaja at Mrs Tina Rivera Ahaja.

Ayon sa daddy ni JJ, “Si JJ talaga ang gustong mag-artista. Hindi naman namin siya pinipilit. Noong una talagang hindi namin gusto na pumasok siya sa showbiz kaso, talagang mapilit. Kaya para mapagbigyan din ang hilig ini-enrol namin siya sa mga workshop.”

“Minsan nakikita namin umaarte siya mag-isa, mahilig kumanta at sumayaw. Natural talaga sa kanya ang umarte kaya sige lang kami sa pagsuporta sa anak namin. Basta andito lang kami at tinitiyak naming hindi napapabayaan ang pag-aaral. ‘Yun ang sinabi rin namin sa kanya na importante,” sambit naman ng mommy ni JJ.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Wellness mahalaga para kay Teejay Marquez, enjoy sa BlueWater Day Spa

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA isang industriya na ang mahahabang araw ng shooting at …

NUSTAR Online Binibini

NUSTAR Online inilunsad public online voting sa NUSTAR Online Binibini

BILANG bahagi ng patuloy na ugnayan sa Binibining Pilipinas, mas inilapit pa ng NUSTAR Online ang mga tagahanga …

Coco Martin Julia Montes Jhong Hilario Sigabo

Coco Martin at Julia Montes nagpasiklab, Jhong Hilario kaabang-abang pagkokontrabida 

ni Allan Sancon MAINIT na pinag-uusapan ngayon ng mga manonood ang pinakabagong primetime offering ng ABS-CBN, …

Aerwyna Pearl

Newbie singer ng EBQ Music Production malakas ang dating

MATABILni John Fontanilla PROMISING ang pinakabatang recording artist ng EBQ Music Production na si Aerwyna Pearl na mahusay umawit …

Renz Verano Hiram

Renz Verano klik pa rin, bagong kanta inilunsad

MATABILni John Fontanilla LABIS-LABIS na nagpapasalamat si Renz Verano sa suporta at pagmamahal ng kanyang mga tagahanga. …