INIHAIN dating Sen. Antonio Trillanes IV ang reklamong cyberlibel sa Department of Justice (DOJ) laban kina senators Alan Peter Cayetano at Rodante Marcoleta, kasama ang 18 indibiduwal na nagpakilalang mga dating bodyguards ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Isinampa ni Trillanes ang kaso kaugnay ng ‘Blue Ribbon Committee hearing’ na idinaos ng Cayetano bloc noong 4 Hunyo 2026, na tinawag niyang ‘rogue hearing’.
Sa kanyang reklamo, sinabi ni Trillanes, malinaw na nagkaroon ng sabwatan sa pagitan ng mga nasabing senador, at 18 indibiduwal upang isagawa ang ‘paninira’ laban sa kanya.
Inihayag ni Trillanes, na ang mga nasabing senador ay walang parliamentary immunity o awtoridad na magdaos ng pagdinig.
Ani Trillanes, “The day before [the hearing], napalitan na si Cayetano. Napalitan na rin si Marcoleta bilang Blue Ribbon Committee hearing. And yet ini-pursue nila ‘yun.”
Snabi ng dating senador na inulit ng 18 indibiduwal ang mga alegasyon laban sa kanya sa naturang pagdinig kaya’t wala rin silang parliamentary immunity.
Una nang sinampahan ni Trillanes ng mga kasong perjury at cyberlibel complaints ang mga dating bodyguards noong Marso.
Tiniyak ni Trillanes na habang patuloy na ‘nagpapagamit’ ang mga dating bodyguards sa kanilang political backers ay patuloy silang magkakaroon ng mga konsekuwensiyang haharapin.
Sa nasabing pagdinig, na pinamunuan nina Cayetano at Marcoleta, inakusahan ng mga dating bodyguards ang mas marami pang opisyal na tumanggap ng mga maleta na umano’y naglalaman ng kickbacks mula sa flood control projects.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com