MAHIGPIT na ipinatutupad na ng Senado ang Suspension Order laban kay Senator Jinggoy Estrada na ipinataw ng Sandiganbayan Second Division dahil sa graft at plunder cases kaugnay sa maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug, Jr., noong Lunes, 22 Hunyo, ipinadala ni Senate President Sherwin Gatchalian sa tanggapan ni Estrada ang 90-day suspension order laban sa senador.
Dahil suspendido, nangangahulugan na wala rin matatanggap na sahod at allowances si Estrada.
Binigyang-linaw ni Bantug na hindi kasama sa suspensiyon ang operasyon ng opisina ni Estrada kaya patuloy na makapagtatrabaho at makatatanggap ng suweldo ang mga empleyado sa opisina nito.
Dahil dito tuloy-tuloy na makapagbibigay ng serbisyo sa publiko at sa bayan ang tanggapan ni Estrada.
Naniniwala si Bantug na kasama ng suspensiyon ay hindi rin magagampanan ni Estrada ang pagiging senator-judge sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. (NIÑO ACLAN)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com