MATABIL
ni John Fontanilla
VERY vocal ang VMX Star na si Ashley Lopez sa pagsasabing gusto niyang pakainin si Donny Pangilinan ng paboritong lutuing putahe, ang sinigang.
Ani Ashley sa mediacon ng kanyang pinagbibidahang VMX film along with Vern Kaye, ang Kainan na mapapanood sa July 7 na idinirehe ni Ray Gibraltar, “Ang hirap ‘pag ‘di nagluluto, ah sinigang na lang, para maasim-asim.
“Siguro ibibigay ko siya kay Donny Pangilinan.
“Para matikman niya kung gaano kasarap ang luto ng isang Ashley Lopez.
Samantalang ang mahusay na host namang si Toni Gonzaga ang idolo niya.
“Si Toni Gonzaga,the way she speak and kung paano niya damdamin ‘yung mga sinasabi niya.
“Pero here po kasi (Kainan) parang more on kulitan ‘yung hosting namin eh.
“Ako po kasi nagtrabaho ako sa isang fastfood dati so, medyo alam ko kung paano mag-hosting kasi sa Christmas party po ng mga bata ako po ‘yung nagho-host.
“Kaya parang ganoon din po ‘yung dating dito, siya ‘yung bata (Vern Kaye).”
Hunger daw si Ashley na matupad ang kanyang pangarap na sumikat at makilala sa pag-aartista.
“Ako naman po hunger to keep pursuing dreams, kasi katulad din po ng story nila (Vern and Direk Ray), tinalikuran ko na rin ‘yung pag-aartista noon.
“Kasi noong 18 ako namatay ‘yung mother ko hangang sa mag-domino effect siya.
“Hindi po ako nakapagtapos (pag-aaral). Kaya po ako napasok sa fastfood resto, hanggang sa naging call center, hangang sa ngayon nandito na ako ngayon.
“Kaya sobrang thankful po ako na itinuloy ko ‘yung dreams ko na maging artista. Kaya maraming-maraming salamat po sa inyong lahat,” naiiyak na pahayag ni Ashley.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com