I-FLEX
ni Jun Nardo
PAKAKAWALAN na ni Gian Bernardino ang pula niyang buhok at red nail polish once lumabas na siya sa gagawing movie sa Viva Films.
Eh si Gian ang bokalista ng sikat na grupong Cup of Joe. Kamakailan eh, pumirma siya ng kontrata sa Viva Films at Viva Artists Agency.
Nag-venture rin si Gian sa acting at nagbida sa digital movie na Quaranthings The Series noong 2021; short film na Kubli (2022), at Microplastics (2023).
Handa nang harapin ni Gian ang bagong chapter sa kanyang career sa different fields through VAA and Viva Films.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com