Thursday , May 30 2024

Collector Manny Mamadra isang huwarang opisyal ng BOC-NAIA

00 parehas jimmyISA sa magaling na opisyal ngayon sa Customs NAIA ay si Collector Manny Mamadra.

Marami siyang pinag-additional na importer at broker ng tax sa mga ‘di nagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno.

Palaban siya pag alam niyang tama pero mapagkumbabang public official.

Siya ay rose from the ranks sa Customs at marunong makihalubilo sa mga stakeholder.

Kaya naman mataas ang nakukuha nilang revenue collection para sa kaban ng bayan.

Tunay na may dedikasyon sa trabaho at  ang prinsipyo niya ay matulungan ang tuwid na daan ni Pnoy, Comm. Bert Lina at BOC-NAIA District Collector Ed Macabeo.

Si Customs EMS chief Rose Mamadra naman ang kanyang butihing maybahay at biniyayaan rin sila ng matatalinong anak na nagmana rin sa kanila sa talino at magandang ugali.

Mabuhay ka Collector Mamadra, you’re the best!

May gumigiba sa NBI

Grabe naman ang paninira sa NBI. Pati sila ay isinasali sa kalokohan ng mga drug lord.

Ibig ninyo sabihin magbebenta sila ng cellphone sa mga drug lord na milyon daw ang bilihan?

What a lie!

Isa lang ang nakikita natin na motibo sa isyung ito, ilang drug lord na nakapiit ngayon sa NBI ay handang gumastos nang malaking pera para siraan ang NBI.

Hindi kasi nila kayang bilihin ang NBI officials at agents sa kalokohan nila.

Sabi ni NBI Director Virgilio Mendez, sino ba ang paniniwalaan nila, drug lords o mga tauhan ko?

Nakita naman ninyo napakaraming accomplishment ngayon ng NBI, dahil nariyan ang magagaling na abogado gaya nina OIC Deputy Director for Investigation na si Atty. Jun De Guzman, Atty. Antonio Pagatpat, Atty. Edward Villarta, Atty. Joy Doloiras, Atty. Edmund Arugay, Asst. Director Atty. Luigi de Lemos at mga operating units.

Isa lang ang masasabi ko sa NBI, sila ang pinakamatatag na ahensiya ng gobyerno ngayon dahil nagtatrabaho sila nang maayos.

Mabuhay ang buong NBI!

***

Binabati natin ang buong BOC-MICP sa pamumuno ni Collector Elmir dela Cruz sa patuloy na magandang performance. Ganoon din ang buong BOC-POM sa pangunguna ni Collector Mario Mendoza at si BOC-NAIA Collector Ed Macabeo na masigasig pa rin sa kanilang target collection at kampanya laban sa smugglers.

God bless us all!

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Katotohanan sa likod ng kuwento ni Guo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INAAKALA marahil ni Mayor Alice Guo na nagbibigay siya …

Dragon Lady Amor Virata

Hindi lahat ng huwes ay matino

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SA HALIP na magkaloob ng hustisya at protektahan ang …

Sipat Mat Vicencio

Tigas ng mukha ni Senator Bato

SIPATni Mat Vicencio “TO Bato dela Rosa, who stuck it out with me to the …

00 Onins Thought Niño Aclan Logo

Cyberlibel vs Tony Leachon ‘resulta’ ng iresponsableng  pahayag sa social media

ONIN’s THOUGHTSni Niño Aclan MAHIRAP talagang masanay na isang social media icon lalo na kung …

YANIG ni Bong Ramos

Former PDEA agent Jonathan Morales, walang masustansiyang sinabi sa Senate hearing, nuknukan ng sinungaling

YANIGni Bong Ramos WALANG NAPALA, walang nahita at walang nakuhang konkreto ang Senado sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *