Thursday , June 4 2026

Si Ridon at ang paintings ni Imelda

EDITORIAL logoNASAAN na ang sinasabing imbestigasyong gagawin ni Kabataan party-list Rep. Terry Ridon sa mga paintings na bahagi ng ill-gotten wealth ng pamilya Marcos?

Halos walong buwan na ang nakararaan simula nang sabihin ni Ridon na magsasagawa siya ng imbestigasyon, pero hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayaring House inquiry.

Totoo bang nasuhulan si Ridon nang malaking halaga ng salapi kaya hindi niya itinuloy ang imbestigasyon laban sa pamilyang Marcos?

Nakapagtatakang  biglang nanahimik si Ridon at nakalimutan ang pangakong imbestigasyon kung wala rin lang naman naging kapalit ito.

Nakapanlulumo at nakalulungkot ang ganitong akusasyon laban kay Ridon. Maituturing na isang mulat at makabayang mambabatas si Ridon,  kaya nakabibigla kung masasangkot siya sa isang kontrobersiya na walang ipinagkaiba sa mga kasong kinasasangkutan sa ngayon ng mga traditional politician.

Kailangan magpaliwanag si Ridon sa taumbayan.  Kailangan linisin niya ang kanyang pangalan dahil nasakasalalay din dito ang pangalan ng Kabataan party-list na kanyang kinaaaniban.

Puno na ng buwaya ang Mababang Kapulungan ng Kongreso, at mahirap na isiping isang miyembro ng Kabataan party-list ay nakikipagsiksikan din dito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …