Sunday , December 7 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Long Mejia John Estrada Wais at Eng-eng

John Estrada pinakamagaling na komedyante si Long Mejia

MATABIL
ni John Fontanilla

KUNG papipiliin daw ang isa sa lead actor ng Puregold’s sitcom na Wais at Eng Eng na si John Estrada kung drama at comedy, ang pangalawa ang gusto niya dahil dito siya nagsimula nang madiskubre sa Palibhasa Lalake.

Ayon kay John, “Alam niyo naman  first love ko ‘yung comedy. Na-discover ako sa ‘Palibhasa Lalake’ at ‘yun na nga naisip namin ng Puregold  na sa dami ng pinagdadaanan natin ngayon hindi lang sa bayan o personal na buhay

“Siguro napapansin natin na lahat ng shows na lang ng lahat ng channel sa tv, medyo drama ang ginagawa. So naisip mamin ng Puregold na mag-comedy naman.

“At lahat naman tayo deserve natin na matawa na maging masaya at ma-entertain. So balik comedy tayo at confident kami sa show namin na matatawa ‘yung mga tao. Ito na ang ‘Wais at Eng Eng’ na mapapanood simula October 11 only sa Puregold Channel (Youtube,” wika ni John na makakasama si Long Mejia.

Ayon sa aktor personal choice niya ang buong  cast ng Wais at Eng Eng.

Yes! Lahat ‘yan personal choice, handpicked by me. Nagpapasalamat ako sa kaibigan kong si Jorel dahil siya talaga actually ang nagsabi sa akin.

“Kasi may hinahanap ako na bago na parang Roderick, parang Kuya Dick (Paulate) at napaka-suwerte namin at na-discover namin si Leo Bruno, siya rati ‘yung nasa ‘Wow! Mali’ bilang prankster. Nakita namin ‘yung Youtube niya.

“Sabi namin ang galing nitong taong ito. So siya ‘yung kinuha namin,” paliwanag ni John.

Naniniwala rin si John na si Long ang pinakamahusay na komedyante sa kanyang henerasyon.

At saka siyempre si Long, alam niyo ‘di na ako magmamayabang pa. I believe in my heart and in my soul na sa henerasyon ni Long siya ang pinaka-magaling na komedyante,” sabi pa ni John.

Humingi rin ito ng pasensiya sa mga komedyanteng kaibigan niya. “Pasensiya na marami akong kaibigang komedyante, pero para sa akin si Long ang pinakamagaling.

“May problema lang siya sa buhay pero ha ha ha. Marami lang problema itong kaibigan ko, marami kasing nahuhumaling sa kanya pero ang galing nito,” pagbibiro ni John.

“Pangatlo na naming sitcom ito ni Long kung alam niyo, ang una ‘Everybody Hapi,’ ‘Hapi Together’ sa TV5, ‘John En  Ellen’ tapos ito, so alam na namin ‘yung tandem namin ni Long talaga.

“At saka alam na ng mga tao kung gaano katibay at nakatatawa ‘yung tandem namin,” sabi pa ni John.

Makakasama nina John at Long sina Kim Rodriguez Jorel Ramirez, King Gutierrez, Leo Bruno, Isabella Ortega, Queenzy Sembrano,

Relly Jose Jr., at Zach Bederi.

Mapapanood tuwing Sabado sa Puregold Youtube Channel sa direksiyon ni Ricky Victoria.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …