Friday , June 5 2026
Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa Sangguniang Panlalawigan ng Zamboanga del Norte si Gov. Rosalina “Nanay Nene” Jalosjos para aksiyonan ang hiling niyang  supplemental budget upang may ipasuweldo sa mga contractual at job order na mga empleyado.

Mula noong Oktubre hanggang ngayong buwan ng Disyembre ay hindi pa nakasusuweldo ang mga contract of service at job order employees dahil sa kawalan ng sapat na pondo.

Ayon sa Gobernadora, matagal na niyang ipinadala sa Provincial Board ang panukalang supplemental budget para pondohan ang suweldo ng mga empleyado.

Nangangamba si Gov. Jalosjos na posibleng maapektohan ang manpower operation ng lahat ng ahensiya ng Provincial Government kung hindi mapasusuweldo ang mga empleyado. (EJ DREW)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About EJ Drew

Check Also

PSC

PSC ginagamit ang kapangyarihan sa pangangasiwa upang tiyakin ang wastong paggamit ng pondo ng pamahalaan

ANG Philippine Sports Commission (PSC), na itinatag sa bisa ng Republic Act No. 6847, ay …

Kiko Dee Alan Cayetano Robin Padilla Mao Aplasca

Cayetano, Padilla, Aplasca inireklamo ng Obstruction of Justice sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamong Obstruction of Justice sa Office of the Ombudsman ang grupong Tindig Pilipinas …

Cayetano Hataw Ilegal Yan

Ilegal ‘yan – Cayetano

HAYAGANG kinuwestiyon ni Senate President Alan Peter Cayetano ang legalidad ng pagluklok ng kaniyang mga …

060426 Hataw Frontpage

Cayetano group habang naka-boykot; Senate President Pro Tempore inihalal
GATCHALIAN ITINALAGANG ACTING SENATE PRESIDENT

HATAW News Team HABANG nakaboykot at anila’y nagse-session si Senate President Alan Peter Cayetano sa …

DOST 10 Bukidnon BUKIFCARB MPC

Exploring Engineering Solutions to Enhance Muscovado Production for Bukidnon Sugarcane Farmers

Sugarcane farmers of the Bukidnon Farmers CARP Beneficiaries Multi-Purpose Cooperative (BUKIFCARB MPC) in Don Carlos, …