Thursday , June 4 2026
Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWAN
ni Ed de Leon

INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat na buwang gulang na. si Korben. Pero teka bago kayo magtatalak diyan, tatlong taong mahigit na silang hiwalay ni Carla Abellana. Divorced na rin sila, kaya walang kaso kung magkaroon man ng anak si Tom na apat na buwan na.

Hindi ninyo masasabing kinaliwa ni Tom si Carla. Pitong taon silang magsyota, dalawang buwan pa lang silang nagsama. Nagpunta lang si Tom sa Cebu, na-delay ng uwi dahil inabot ng bagyo, pagbalik niya hiwalay na sila. Nagsikap siyang magkasundo pa sila, pero ayaw na eh ano ang magagawa niya. Lumayo muna si Tom, umuwi sa US sa pamilya niya. Eh sa tagal siguro may nakita na siyang iba roon at tutal divorced na sila ni Carla, wala nang impediment kung mag-asawa siyang muli. Wala pa rin namang sinasabing nag-asawa siyang muli, basta ang inamin lang ni Mang Tomas, mayroon na siyang anak na lalaki na apat na buwang gulang na.

Para sa amin, walang issue iyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …