ni Ed de Leon
PINALALABAS ng isang boylet na starlet na nagseselos siya kung may lumalapit na iba sa kanyang sugar bading. Dahil doon pinilit niya si sugar bading na magsuot ng wedding ring para malaman daw ng iba na may jowa na iyon at huwag nang pakialaman.
Siyempre, impressed naman si bading sa acting ng kanyang boylet at dinatungan niya ng sampung doble ang halaga ng wedding ring. Pinagbawalan na rin daw ng boylet na maglalabas ang kanyang sugar bading.
Walang kamalay-malay ang sugar bading na kaya ayaw siyang palabasin ng boylet niya ay hindi dahil nagseselos iyon kundi ayaw lang niyong mabuko siya na siya man ay bading din at may boylet din. Ang idinadatung sa kanya ng bading ay idinadatung din niya sa boylet niya. At naniniwala naman sa kanya ang sugar bading niya.