Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
James Reid Issa Pressman

James Reid lipas na, inulan ng panlalait sa internet 

HATAWAN
ni Ed de Leon

KAWAWA rin naman si James Reid kung noong panahon ng kanyang kasikatan ay tinitilian siya ng kanyang fans, ngayon puro panlalait ang natatanggap niya sa internet. Bukod nga sa katotohanan na bagsak na ang kanyang career. Mapapansin mo rin sa kanyang mga picture, mukha siyang napaglipasan na ng panahon. Wala nang porma ang kanyang katawan at nagmukha na ring matanda ang kanyang mukha.

Siguro nga kung hindi na aangat pa si James mas mabuting magpahinga na muna siya. Mag-asawa na siya tutal nakahanda namang pakasal sa kanya si Issa Pressman. Sa ganoon ay matatahimik muna ang kanyang buhay at baka makabawi pa siya ulit pagdating ng araw.

Sa ngayon parang wala sa direksiyon ang buhay at ang career ni James, lalo na nga’t ang kasosyo pa niyang Koreano ay nahuli dahil sa pagnenegosyo sa Pilipinas ng walang business permit. Kaya nawalan talaga siya ng katuwang.

Kahit na ano namang tingin, mukhang hindi maiaangat ni James ang sarili niyang career sa ngayon. Kaya nga maski ang talent niyang si Liza Soberano natigil na sa pamamarali na siya ay magiging isang Hollywood star. Natuklasan na niya ang katotohanan na mahirap pala at lalo na ang humahawak sa kanya ay wala namang kasanayan sa Hollywood na kagaya ni James. Kung sanay sa Hollywood iyang si James eh ‘di naisingit na niya ang kanyang sarili at malamang pati ang syota niyang si Issa. Eh wala eh.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …