Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yul Servo Honey Lacuna Manila Film Festival

Maynila pwedeng kilalaning sentro ng performing arts 

HATAWAN
ni Ed de Leon

SINUSUPORTAHAN daw ni Vice Mayor Yul Servo ang muling pagdaraos ng Manila Film Festival. Iyan pala ang sinasabi nilang

summer film festival. Ire-revive lang pala nila ang Manila Film Festival na sinimulan ni Mayor Antonio Villegasng Lunsod ng Maynila noong 1966. Iyan ang pioneer, ang kauna-unahang film festival sa bansa, na ginawa ni Villegas para ang mga pelikulang Pilipino na mapapanood naman sa mga malalaking sinehan noon na kontrolado at

nakatali sa mga kontrata sa foreign film exchange.

Idinemanda pa noon ng mga foreign film exchange si Villegas, pero pinanindigan niya ang kanyang suporta sa pelikulang Pilipino. Eh ano nga ba ang laban nila kung ang mga sinehan nila ay alisan ng mayor’s permit Kaya naging matagumpay ang Manila Film Festival hanggang sa mapalitan nga ito ng mas malawak na Metro Manila Film Festival noong 1975 na pinamunuan naman ng noon ay Metro Manila Governor Imelda Romualdez Marcos.

Pero ewan kung mabubuhay nga ba ang isang festival sa Maynila lamang. Nasira nang lahat at giniba na ang malalaking sinehan noon sa Maynila. Ang mga magagandang sinehan noon na ang disenyo ng building ay likha pa ng mga national artists ay hindi nabigyan ng proteksiyon ng mga nakaraang pamahalaan at hinayaan nang masira. Kasi ang mas maliliit na sinehan ay inilagay na sa mga mall.

Noong congressman pa siya, hindi lang iyan ang plano ni VM Yul. Gusto niya noong buhayin ang Escolta bilang “arts’ center.”

Kasama sa proyekto niya ang muling pagtatayo ng Capitol at Lyric Theaters sa orihinal na hitsura ng mga iyon.

Sa Escolta nagsimula ang kauna-unahang sinehan sa Maynila, iyong Pertierra. Sa dulo naman, sa Sta.Cruz, naroroon ang isang malaking sinehan na pinagsimulan din ng vaudaville, iyong Astor Theater, na nang maluma na at naglalabas na lang ng mga lumang pelikula ay tinawag na Cine Sta, Cruz.

Maraming magagawa sa Maynila na maaaring kilalaning sentro ng performing arts dahil sa naging takbo ng kasaysayan, pero simulan na muna iyan sa film festival.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …