Thursday , June 4 2026
Vilma Santos Erik Matti Dondon Monteverde

Ate Vi balik-pelikula sa Reality Entertainment

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANG nanalo, ang Reality Entertainment dahil maliwanag na ngayon na sila ang unang napili ni Ate Vi (Vilma Santos) sa kanyang pagbabalik pelikula. Hindi natin masasabing ang kanilang proyekto ang siyang una ngang mailalabas, dahil may nakaabang pang ibang projects, Depende rin iyan kung gaano katagal ang kanilang pre-production, na depende rin naman sa laki ng pelikulang kanilang gagawin.

Isa sa mga dahilan kung bakit napili ni Ate Vi ang Reality ay dahil hind naman naiiba iyan sa Regal na noong kapanahunang aktibo siya talaga sa pelikula ay nagkaroon ng malaking bahagi sa kanyang career.

Medyo nag-menor lamang ang Regal noong panahong sinasabi ngang dehado ang mga producer doon sa mga kakompitensiya nilang may sariling network, dahil tagilid sila sa promo. Eh ngayong wala na ring may network, patas na lang sila at mananaig diyan ang mas may karanasan, at may koneksiyon at mahabang panahon ng pakikitungo sa mga tao sa industriya na kagaya ng Regal. Kaya panalo rin ang Reality Entertainment dahil hindi naman maikakaila ang koneksiyon nila sa Regal.

Ibig sabihin, tama ang diskarte ni Ate Vi.

Hindi naman ibig sabihin niyon ay matatali na sa ganoon si Ate Vi. May mga proyekto rin namang inialok sa kanya ang Star Cinema na aktibo na rin ulit sa paggawa ng pelikulang ipalalabas sa mga sinehan, bukod pa sa tv project na offer naman ng ABS-CBN. Pero sabi nga ni Ate Vi, “ang offer nila ay concept pa lang.” Kaya hindi pa rin natin tiyak pero kung ano man ang mapiling gawin ni Ate Vi, tiyak naman hit iyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …