Thursday , June 4 2026
Romy Suzara

Direk Romy maraming magagandang alaalang naiwan

HATAWAN
ni Ed de Leon

SA kasalukuyan ay nakahimlay sa St.Peter Chapel sa Quezon Avenue ang mga labi ni direk Romy Suzara. Nagkaroon ng misa at

necrological services kagabi, at sinasabing siya ay ike-cremate sa Linggo ng umaga. Ganap na ang kapayapaan kay direk.

Ang dami pang kuwentong nauna, na kung saan-saang sources nagsimula kasi nga walang makapagbigay ng detalye, na sa tingin namin ay hindi na dapat ungkatin pa.

Tama ang suspetsa naming, cardiac arrest ang nangyari.

Sinasabi kasi nilang bumaba nang bumaba ang blood pressure hanggang sa bumigay na. Sa personal experience kasi namin kaya bumababa ang blood pressure nang tuloy-tuloy dahil hindi na makapag-pump ng dugo ang puso.

Maraming ginawang mga action picture si direk at totoo ang sinasabing siya ang gumawa ng halos lahat ng hit movies ni Rudy Fernandez. Pero mali ring sabihin na siya ang nagpasikat kay Rudy, dahil sikat na iyon noon. Ang talagang nagpasikat kay Rudy ay ang pelikulang Baby Ama, na isinulat at idinirehe ni Deo Fajardo.

Nakilala rin si direk sa paggawa ng mga wholesome movie para sa mga bata. Siya ang nagdirehe ng Sarah ang Munting Prinsesa ni Camille Prats, at niyong Cedie na ang bida naman ay si Tom Taus. Hango iyon sa mga animated series na mula naman sa mga kuwentong klasiko.

May mga ginawa ring pelikula si direk na tipong sexy. At may mga pelikulang masasabi mong ginawa para kumita, gaya nga niyong Vilma and the Beep Beep Minica pero siya rin ang director ng dramang  Tatlong Mukha ni Rosa Vilma.

Marami ring magagandang alaala na naiwan si direk Romy. Iyon na lang ang alalahanin natin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …