Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

2 anak, alaga ng Krystall Herbal Oil ni lola

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong

               Isang magandang araw po sa inyo, Sis Fely.

               Ako po si Richard Valentino, isang 26-anyos single parent (father), naiwanan ng dalawang anak, isang 12-anyos na babae at isang 8-anyos na lalaki ng aking misis na nabiktima ng CoVid-19.

               Labis po ang aming pagdadalamhati, kasi kahit na may bakuna siya, hindi pa rin siya nakaligtas sa bagsik ng virus.

               Tuwing mapapabalitang tumataas na naman ang mga kaso ng virus, lubos-lubos ko pong iniingatan ang aking mga anak.

               Gaya ngayong face-to-face na ang pag-aaral ng mga bata sa Lunes, 22 Agosto, labis po talaga ang aking pag-aalala — covid, dengue, sipon, ubo, lalo’t ngayon ay tag-ulan.

               Mabuti na lang po at nariyan ang aking biyenang babae na siyang nag-aalaga sa mga anak ko kapag nagtatrabaho ako.

               Alagang-alaga po niya ng Krystall Herbal Oil ang aking mga anak, bago maligo, bago matulog sa gabi, at kapag biglang umuulan, agad niyang hinahaplos sa sikmura para huwag daw makasagap ng alimuom.

                Kapag sinisipon, aagapan niya agad ng Krystall Nature Herbs na kanyang ipinaiinom nang mainit na mainit pa.

               Kaya sabi po niya, huwag daw po akong mag-alala kapag nagpasukan na, babantayan niyang maigi ang kalusugan ng aking mga anak sa tulong ng inyong Krystall herbal products.

               Maraming, maraming salamat po Sis Fely, malaking tulong po sa mga katulad ko ang inyong mapagkakatiwalaang mga imbensiyon.

Nagpapasalamat,

RICHARD VALENTINO

Valenzuela City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …